Sen. Miriam ikinumpara kay Jennifer Holliday

SEEN: Guilty ang hatol ni Senator Lito Lapid kay Chief Justice Renato Corona dahil hindi ito nagdeklara ng dollar accounts sa kanyang SALN.

Hindi nalalayo sa kaso ni Corona ang naging mala­king problema ni Marissa Lapid, ang asawa ni Senator Lapid na nagdala ng US$50,000 sa kanyang biyahe sa Amerika noong January 2012, isang paglabag sa American travel restrictions na nagbabawal sa mga dayuhan na magdala ng mahigit sa US$10,000.

SCENE: Nagustuhan ni Senate President at impeachment trial presiding judge Juan Ponce Enrile ang simpleng speech ni Senator Lito  Lapid.

Magaling daw ang dating action star.

SEEN: Pinagkukumpara ang pagkanta ni Jennifer Holliday sa American Idol result night at ang madamdamin na speech ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa impeachment trial noong Martes.

SCENE: Hindi umubra ang talino ni Stephanie Stephanowitz sa husay ni Boy Abunda sa guesting niya sa Bandila noong Martes.

Nahirapan ang bagong hirang na Miss Philippines-Earth sa pagsagot sa intelligent at relevant questions ni Boy.

SEEN: Ang successful premiere night ng Born to Love You noong Martes sa SM Megamall Cinema.

Sinuportahan ng mga artista ng Walang Hanggan ang pelikula ni Coco Martin.

SCENE: More acting workshops ang kailangan ni Angeline Quinto, batay sa mga eksena niya sa Born to Love You.

SEEN: Physically fit si Mark Anthony Fernandez sa press launch ng Makapiling Kang Muli dahil hindi niya nalilimutan na mag-exercise kapag wala siyang taping.

SCENE: Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong May 16 hanggang May 20, 2012.

Show comments