Amanda Seyfried nalagpasan na ang career ni Lindsay Lohan

Manila, Philippines -  Una siyang napanood sa Mean Girls ni Lindsay Lohan na nag-hit sa takilya nung 2004. Maikli lang ang papel dito ni Amanda Seyfried pero dito nagsimula ang kanyang maningning na karera bilang artista. Ngayon, bidang-bida siya sa kapana-panabik na pelikulang Gone.

Makikita sa halos lahat ng eksena, si Amanda ay gumaganap bilang biktima ng kidnapping na naniniwalang ang nakababatang kapatid ay hawak ng serial killer na kanyang natakasan noon.

Ayon kay Amanda: ‘‘It’s my most difficult and challenging film. Truly scary but it’s fun. At the very end the story unfolds, it will put audiences on the edge of their seats!’’

 Pagkatapos ng Mean Girls, si Amanda ay naging mas matagumpay kay Lindsay dahil sa mga pelikulang pinagbidahan niya tulad ng Jennifer’s Body, Chloe, Dear John, Letters to Juliet, Red Riding Hood, at In time.

Sa taong ito, pinakaaabangan din siya sa biopic ni Linda Lovelace, iconic star ng Deep Throat, at sa star-studded adaptation ng Les Miserables.

Sa direksiyon ni Heitor Dahlia, ang Gone ay eksklusibong ipapalabas sa May 30 sa mga sinehan ng SM sa buong bansa. Huwag palampasin!

Show comments