^

PSN Showbiz

Lovi Poe na-enjoy ang kamalditahan sa Legacy

-

Manila, Philippines -  Matapos ang anim na buwang pamamayagpag sa primetime television, ang programang minahal ng lahat na Legacy ay magtatapos na sa June 1.

Simula nang ito ay mapanood sa telebisyon, naging maingay ang programa dahil sa angking ganda ng istorya at mahusay na pagkakagawa ng bawat episodes.

Nagpahayag naman ng pagkalungkot sa nalalapit na pagtatapos ang Kapuso Actress na si Lovi Poe. “I will surely miss playing Natasha Alcantara, the character whom I have learned to love so much.”

Talagang ang karakter ni Lovi bilang Natasha Alcantara ay minahal, kinaisan at patuloy na hina­hangaan. Dagdag pa niya, “I’m grateful to the writers, creative staff and our directors, for allowing me to put life into Natasha, this is so far my most memorable role on tv.”

Pero kahit magtatapos na ang seryeng Legacy, hindi naman mawawalan ng trabaho ang dalaga. Mas lalong niningning ang kanyang kasikatan sa paggawa niya ng dalawang pelikula. Isa na rito ang Guni-Guni at isang drama film kung saan makakasama niya si Jennylyn Mercado.

Samantala, dadayo ng Hong Kong si Lovi sa June 9 para sa Run Freedom and Friendship Ball at sa June 10 sa Tayo Na, Magkaisa Fiesta.

 Huwag palampasin ang glossy finale week ng Legacy pagkatapos ng Luna Blanca sa GMA 7.

HONG KONG

JENNYLYN MERCADO

KAPUSO ACTRESS

LOVI

LOVI POE

LUNA BLANCA

MAGKAISA FIESTA

NATASHA ALCANTARA

RUN FREEDOM AND FRIENDSHIP BALL

TAYO NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with