Gerald nag-enjoy sa gay bar!

Manila, Philippines -  Balik-tambalan ang dating magka-love team na sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa pelikula via the 20th anniversary of Star Magic na mayroong working title na Crazy Love.

Matatandaang huling napanood ang dalawa noong 2010 sa pelikulang Till My Heartaches End bago tuluyang nabuwag ang kanilang tandem. Kinakabahan ba siya sa muli nilang pagsasama ni Kim sa movie?

“Ex­cited! Kasi ’yung eksena na gagawin namin, nakaka-excite kasi sasayaw ako. Siyempre kinakabahan pero more of excited ako,” sagot ni Gerald sa isang panayam. Ano ang kanyang naging unang reaction ng malaman niyang muli silang magtatambal ng dating kaibigan at ka-love team?

 “Excited ako na makakasama ko siya. Makikita ko ’yung maturity niya, ’yung growth niya mula nung last project namin. Sana ganun rin siya para sa akin. I’m really excited na makatrabaho siya ulit,” sabi pa ng guwapong Fil-Am actor.  

Hindi ba sila magkakaroon nang ilangan sa shooting ng kanilang pelikula? “Hindi naman siguro. Awkward in the sense na ngayon ulit kami magtatrabaho. Maghiwalay kami sa TV for more than a year na,” sagot ni Gerald.

Magkakaroon ba sila ng sweet scenes together?  “Marami kasi dito sa movie na ito. Ako talaga ang may gusto sa kanya. Parang na-love at first sight ako sa kanya,” sabi ni Gerald. 

So, mayroon din kissing scenes sigurado? “Secret!” iwas niya. Handa na ba siyang muling makipag-kissing scene kay Kim? “I’m always ready,” natatawang sagot pa nito. Inaamin din ni Gerald na forever magiging special sa puso niya si Kim.

“Hindi siya mawawala sa care ko,” sabi pa ng aktor.

Idinagdag pa ni Gerald na mula naman nang magkahiwalay sila as love team ay nanatili ang kanilang professional relationship kahit nabigyan na sila ng iba’t ibang kapareha.

Nakatrabaho ni Gerald si Sarah Geronimo sa pelikulang Catch Me I’m in Love and Won’t Last a Day Without You at sa teleseryeng Budoy ay kay Jessy Mendiola naman siya ipinartner.  Si Kim naman ay ipinareha kina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla, and Xian Lim sa seryeng My Binondo Girl. 

 “’Yung working relationship nandun pa and sana ’yung chemistry nandun pa. I’m sure may magic pa. Si Kim naman dala-dala lang niya…lalabas naman ’yun.

“Yung professionalism, ’yung oras na magkasama kami sa set, ’yung respeto naman kay Direk (John-D Lazatin), gagawin namin ni Kim ang part namin,” pahayag pa ni Gerald. Samantala, bukod kina Gerald at Kim, sa pelikulang ito ay makakasama rin nila sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Angelica Panganiban, Bea Alonzo, and other Star Magic talents.  Ang role na gagampanan ni Gerald dito ay, “Isa akong macho dancer, isa akong call boy. Ako ’yung lalaki who comes in between them. Nagkataon lang na isa akong macho dancer.”

Paano ba niya pinaghandaan ang role niya para rito?  “Nag-immerse rin ako para rito. Pumasok ako sa isang gay bar. Naka-sumbrero ako para hindi alam ng mga tao. Medyo madilim nung time na ’yun at pinanood ko ’yung mga sumasayaw sa stage. Para at least, kahit paano, may background ako. 

“Great experience. But after this movie, hindi ko na uulitin ’yun,” pagkukuwento pa ni Gerald. )

Show comments