Charice gustong tumulong na magkakarir ang natsuging Pinay sa The Voice

Sa halip na magkaroon ng kumpetisyon ang mga FilAm na gumagawa ng pangalan sa US sa pamamagitan ng pagkanta, mas gusto ni Charice na magtulung-tulong na lang sila para mas madali silang magkaroon ng pangalan at sumikat.

Bago siya pilit na isinasabong kay Jessica Sanchez na gumawa ng pangalan ng maging runner-up sa American Idol, at mas lalo ngayon na gusto itong gawan ng album ng record producer na asawa ni Thalia, may collaboration na si Charice kay Cheesa Laureta, isang pang FilAm na sumali naman sa The Voice at naging finalist.

Unfortunately, na-eliminate na si Cheesa pero hindi ito nangangahulugan ng pagtatapos ng kayang quest for stardom. Sa tulong ni Charice na kasalukuyang nasa bansa para buuin ang grupo na uupo bilang hurado sa The X Factor Philippines, isang reality singing contest na itataguyod ng ABS-CBN, ay makapagri-release rin ng kanyang album si Cheesa at ipo-promote niya ito rito pagdalaw niya ng bansa.

Proposal ni Daniel pinagtatawanan lang ni Kathryn!

Napakadali namang magseryoso ni Daniel Padilla. Hindi pa man nalalaunan ang pagkikilala nila ni Kathryn Bernardo, pero itini-tweet na niya na handa niyang pakasalan ang young actress. To think na bini-build pa lamang sila bilang isang love team, at kung ito ang epekto agad sa kanya ng pagsasama nila, paano pa kung magtagal ang kanilang pagtatrabaho sa naturang serye?

But Kathryn is not taking Daniel’s Internet proposal seriously. Pinagtatawanan lang nito ang mga deklarasyon ng kabataang aktor pero hindi niya binabalewala ang pag-aalagang ginagawa nito sa kanya sa tuwing sila ay magkasama sa Princess and I.

Paul Salas nami-miss na ang gimik

’Kakatuwang malaman na hindi makapagsisimula ng kanyang taping si Paul Salas hangga’t hindi siya nakakakain ng tinolang manok. Paboritong ulam niya ito at palaging inihahanda ng kanyang mommy para sa kanya. Hindi siya nagsasawa kahit araw-araw ay ito ang kainin niya.

At 14, nami-miss na ni Paul ang gumimik with friends.

Hindi na siya pinapayagan at naiintindihan naman niya.

Hindi na rin siya makapag-basketball na siyang paboritong sport niya. Hindi na siya hinahatak ng mga friends niya lalo’t kapag libre sila ay may taping naman siya ng Aryana.

Aware ang kanyang BFF na si Ella Cruz ng pagiging super fan ng leading man niya sa basketball pero unti- unti na nitong natatanggap na may mga sakripisyo siyang dapat gawin dahil sa trabaho niya.

Show comments