Nora at Derek pagsasamahin sa teleserye

Nagbago ng desisyon ang TV5 at binawi ang unang plano na tigil muna sila sa paggawa ng soap dahil tuloy na naman sila. Ang balita nga namin, isa sa pinaplanong soap ay pagtatambalan nina Nora Aunor at Derek Ramsay at tila Forbidden ang magiging title.

Wala pang detalye tungkol dito pero sana matuloy at siguradong matutuwa si Derek na ang Superstar ang kanyang makakasama.

Pero hindi totoong kasama sa cast si Ruffa Gutierrez dahil sa ibang soap siya ilalagay.

Samantala, matutuwa ang mga Noranians kung totoong dalawang pelikula ni Guy ang entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012. Ang isa’y ang El Presidente at ang isa pa’y ang Thy Womb sa direction ni Brillante Mendoza.

Shake, Rattle… meron pa rin sa December

Nagbago rin ang desisyon ng Regal En­ter­tain­ment, Inc. at sina Mother Lily Monteverde at Roselle Teo na last year ay sinabing last na sa Metro Manila Film Festival ng Shake, Rattle & Roll at last na ’yung SR&R 13. Ang narinig namin, may SR&R pa rin ngayon pero ang kaibahan, si Chito Roño ang magdidirek ng three episodes.

Ang sabi pa, ang SR&R 14 lang ang tanging entry ng Regal Entertainment sa 2012 MMFF, pero malay natin at magbago pa rin ang isip nina Mother Lily at Roselle. Parang kulang ang MMFF kung isa lang ang kanilang entry.

Ogie kabado sa Pick Up…

May kasamang OST o Original Sound­track ang pelikulang Boy Pick-Up the Movie, released by Universal Records starting tomorrow. Ang Kape Ka Ba! ang carrier single ng six-track album ng album, ang Gawi ng Pick-Up , ang Pick-apin Mo Ako na duet nina Ogie at Solenn Heussaff and three more songs.

June 6 na ang showing ng movie at hindi maiwasan ni Ogie Alcasid ang hindi kabahan, kaya madalas niyang ti­na­tanong ang editor at mga nakapa­nood ng trailer. Kapag sinabing naka­katawa, naaalis ang kaba niya.

Natutuwa rin si Ogie na sikat na sikat ang pick-up lines ngayon, bata man o matanda ay mga “pickapista.” Pati sa TVC ay ginaya na sila at pati ibang network ginagawa rin ito. Ang pick-up line ni Ogie kay Regine Velasquez ay “Songbird ka ba?” at ’pag sumagot ng “bakit” ang sagot niya ay “kasi ako ang songwriter.”

 “If this movie works, mas gaganahan akong gumawa ng comedy movie. Ang ganda ng naging working relationship namin ni Direk Dominic Zapata,” ani Ogie.

Sequel ng Ligo na U naudlot

Hindi pala magagawang pelikula ang It’s Not That Complicated, sequel ng Ligo na U, Lapit na Me, dahil paiingayin muna ng husto ang libro. Naging best seller sa National Bookstore ang libro ni Eros S. Atalia at kumita agad ng P18K.

Pending project din ni Noel Ferrer bilang indie film director ang Kabit ni Lualhati Bautista at Not Just Friends ni Jerry Gracio. Kaya ang Intoy Shokoy at ibang films sa Cinemalaya muna ang pino-promote.

Nabanggit din ni Noel na magiging daily na ang radio show niyang Showbiz Rampa Express na 7:40 p.m. mapapakinggan. Newest and juiciest showbiz news ang hatid niya gaya ng nangyari sa taping ng isang soap na matagal nakunan ang mga batang cast (itinanggi ito ng direktor).

Nakipag-partner din si Noel kay Atty. Mike Templo for an Immigration Consultancy Service (visa processing, tourist, working, AI visa applications and renewal). Magho-hold din sila ng seminars and outreach na tutulong sa mga kababayan natin na gumagastos ng malaki for visa processing.

Show comments