PIK: Naging viral na ang video na Call Me Maybe ng magkaka-barkadang Anne Curtis, Solenn Heussaff, Liz Uy, Isabelle Daza, Georgina Wilson, Borgy Manotoc, Raymond Gutierrez, Erwan Heussaff, Bea Soriano, at may guest pa silang si Manny Pacquiao.
Isang linggo pa lang ito sa YouTube pero malapit nang mag-one million hits dahil nakakatuwa naman silang panoorin.
Doon mo nakikita kung gaano sila ka-close, na ang gaganda nilang tingnan.
Parang nakunan sa isang pictorial na nakatuwaan lang nila pero ang daming nagbukas dito at pawang papuri sa kanilang lahat.
Si Solenn ang bidang-bida sa video na ’yun.
PAK: Totoo kayang may problema sa dalawang batang bida sa Luna Blanca? May naririnig kaming kuwentong ayaw na ng mommy ni Jillian Ward na paitimin ito dahil sa naiinitan na at hindi na ito nakikilala ng mga fans niya.
Hindi na rin maiwasang nagkakaintrigahan na ang nanay ni Jillian at ng nanay ni Mona Louise Rey, kaya sumasakit na ang ulo ng production kung paano sila ayusin.
Sana maaksyunan ito agad ng GMA 7 dahil ang babata pa ng mga ito, hindi na makontrol dahil sa mga nanay nila.
BOOM: Kahit anong deny nina Sid Lucero at Heart Evangelista tungkol sa namamagitan sa kanila, nakakapagduda pa rin ang closeness nila lalo na’t madalas silang magkasama ngayon para sa promo ng pagtatapos ng Legacy.
Nung nakaraang Linggo lang ay namataan namin sa parking lot ng GMA 7 na matagal na magkausap ang dalawa sa kotse ni Heart.
Nakita pa namin ang paglabas ni Sid sa kotse ni Heart at humalik ito sa pisngi ng aktres bago ito lumipat sa kanyang kotse.
Kaya parang may something talaga silang dalawa. Maaaring hindi pa naman nagkadebelopan pero mukhang hindi lang simpleng friendship ang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon.