^

PSN Showbiz

'Reunion' ng The Eraserheads pandagdag sa collection

-

MANILA, Philippines - Humahataw na sa record bars ang kalulunsad lamang na tribute album ng Star Records para sa iconic Filipino pop-rock band na The Eraserheads. 

Isang linggo matapos i-release, No. 4 na agad ang The Reunion: An Eraserheads Tribute Album, sa overall (pinagsamang foreign at OPM ca­tegories) top-selling albums ng Astroplus mula Mayo 10 hanggang Mayo 16.

Ang tagumpay na ito, ayon sa co-producer ng album na si Darwin Hernandez, ay magandang bunga ng halos apat na buwang pagsisikap ng grupo ng Star Records, crew, at ng mismong mga singers, at bandang bahagi ng The Reunion.

“Hindi lang kasi ito basta-basta album, tribute ito sa bandang napakalaki ng naiambag sa Philippine music at sa mismong kultura nating mga Pinoy,” sabi ni Darwin. “Ito ay pinag-isipan, pinaghandaan, at talagang ‘kinarir’ naming lahat ang pagbuo ng bawat kanta sa album.” 

Collector’s item na maituturing ang ‘The Reunion’ dahil hindi lang ito para sa henerasyon na namulat sa musika ng The Eraserheads kundi maging sa mga kabataan ngayon.

Dagdag pa ng co-producer, “Ginawa namin ang album na may respeto sa musika nina Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro at sa kontribusyon nila sa music history. Ang mga bata ngayon na hindi pa ipinapanganak 20 years ago ay madi-discover ang kahusayan ng bandang muling bumuhay ng Pinoy rock noong 1990s.”

Tampok sa The Reunion: An Eraserheads Tri­bute Album ang natatanging koleksyon ng 14 na hin­di malilimutang awitin ng The Eraserheads na binigyan ng bagong tunog ng ilan sa pinakasikat na mga banda at soloista sa bansa. Carrier single nito ang kantang Minsan na inawit ng bandang Callalily.

Bahagi rin ng tracklist ng album ang Alapaap na inawit ng 6CycleMind kasama si Eunice ng Gracenote, Overdrive ni Vin Dancel, Fine Time ni Marc Abaya ng Kjwan, Superproxy ng Razorback kasama si Gloc-9, Kailan nina Ney Dimaculangan at Yeng Constantino, Kaliwete ng Hilera, Maling Akala ng Itchyworms, Ligaya ng Mayonnaise, Pare Ko ni Johnoy Danao, Ang Hu­ling El Bimbo ni Jay Durias, Magasin ng Chicosci, With a Smile ni Aiza Seguerra kasama si Mike  Villegas, at Hey Jay ng Tanya Markova. Producers ng The Reunion album sina Darwin at Rye Sarmiento ng BBS. 

Samantala, inilunsad rin kamakailan ng Star Records ang Soundtrip to Roadtrip Promo kung saan magkakaroon ng pagkakataong manalo ng Chevrolet Spark ang sinumang bibili ng The Reunion CD sa piling record bars ng SM, Astro, at Odyssey Music. Ang promo ay tatakbo mula Mayo 14 hanggang Aug. 3. Para sa buong detalye ng promo, maaaring bumisita sa Facebook fan page ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil

AIZA SEGUERRA

ALBUM

AN ERASERHEADS TRI

AN ERASERHEADS TRIBUTE ALBUM

ANG HU

BUDDY ZABALA

CHEVROLET SPARK

DARWIN HERNANDEZ

ERASERHEADS

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with