^

PSN Showbiz

Dating sexy star inamin na ang katomboyan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nag-ala-BB Gandanghari ang ex-sexy star na si Piel Morena na umamin na tomboy siya at mas komportable na makipagrelasyon sa kapwa babae.

Hindi na siguro kilala ng mga kabataan si Piel na dating contract star ng FLT Films, ang movie production na pag-aari ni Mommy Rose Flaminiano.

Matagal nang tsismis na tivoli si Piel pero walang kumpirmasyon dahil hindi niya pinatulan noon ang isyu.Biglang nawala sa sirkulasyon si Piel dahil umuwi siya sa Cabanatuan City at namuhay ng tahimik.

Sa exclusive interview kay Piel ng Startalk, inamin niya na tomboy siya. Iba raw pala ang pakiramdam kapag hindi na niya itinatago ang katotohanan. Naranasan na ni Piel na maki­pagrelasyon sa mga lalaki pero mas gusto niya ang kapwa babae.

Medyo tumaba si Piel na isa nang businesswoman ngayon at type na magbalik-showbiz dahil nami-miss niya ang showbiz.

Hindi si Piel ang unang aktres na umamin na pumapatol sa kapwa babae. Ang pagkakaiba lang, naging matapang si Piel dahil inamin nito ang tunay na pagkatao sa national television.’Yung ibang aktres na babae rin ang gusto, pinili na manahimik dahil pinahalagahan nila ang kanilang privacy. Kung may mga aktor na closet gay, may mga aktres din na pa-girl pero girl din ang itinatangi ng mga puso at katawan

Grace Lee kilalang-kilala ni Joey De Leon

Live guest kahapon sa Startalk si Grace Lee at kami ni Joey de Leon ang nag-interbyu sa kanya.

Mahusay sumagot si Grace at may mga sense ang kanyang mga sinasabi. Sinagot niya ang tanong ko tungkol sa favorite food ni President Noynoy Aquino na na-link sa kanya.

Ang sey ni Grace, mahilig sa karne si P-Noy at type rin nito ang mga Korean food gaya ng bulgogi na popular din sa mga Pilipino.

Sa tanong kung iimbitahan niya si P-Noy o si Shalani Soledad-Romulo sa kanyang cooking show sa GMA News TV, hindi nag-isip ng matagal si Grace bilang mahusay nga siya na sumagot. Very busy ang schedule ng presidente at hindi sigurado na papayagan si Shalani ng TV5.    

Noon pa pala kilala ni Papa Joey si Grace Lee dahil magkapit-bahay sila. Ikinuwento ni Papa Joey na maliit na bata pa noon si Grace at ito ang kasama ng kanyang mga anak sa paliligo sa swimming pool. Kung alam lang niya na magiging seksi si Grace nang magdalaga ito, naki-swimming na rin siya noon sa kanyang mga anak.

Nagkuwento rin si Grace tungkol kay Papa Joey. Madalas na nakasilip sila ng kanyang mga kaibigan sa bahay ni Papa Joey dahil sikat na sikat ito noon. Sikat pa rin naman hanggang ngayon si Papa Joey na nag-drama sa presscon ng Game ‘N Go ng TV5. Hindi raw siya umaalis sa GMA 7 dahil sa akin. Ek!!!

Music video ng down to mars kaabang-abang dahil kay Marian

Guest din kahapon sa Startalk ang Down to Mars na nag-promote ng kanilang debut album.

Ipinaalaala ng pitong miyembro ng Down to Mars na ngayon ang bonggang launch sa Party Pilipinas ng album nila. Ipapakita sa Sunday show ang music video ng carrier single ng Down to Mars. Kaabang-abang ang music video ng grupo dahil si Marian Rivera lang naman ang special guest nila. Nag-shooting si Marian para sa music video ng Down to Mars noong kainitan ng pag­lilihi sa kanya ni Katrina Halili.                   

vuukle comment

CABANATUAN CITY

DAHIL

GRACE

GRACE LEE

NIYA

PAPA JOEY

PIEL

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with