Jessica excited nang umuwi ng 'Pinas

SEEN: Umakyat agad sa number 1 ng Top Ten songs ng iTunes ang Home ni Phillip Phillips ng manalo ito sa American Idol.

SCENE: Excited si Jessica Sanchez na bumisita sa Pilipinas upang personal na pasalamatan ang mga kababayan na sinuporta­han ang pagsali niya sa American Idol.

SEEN: Sinalubong ng Pinoy fans si Derek Ramsay nang dumating ito kahapon sa Tom Bradley International Airport, Los Angeles, California.

Tuwang-tuwa si Derek sa mainit na pagsalubong sa kanya ng Filipino fans.

SCENE: Sigurado na ang pagkandidato ni Richard Gomez bilang mayor ng Ormoc City sa 2013.

Nangunguna si Richard sa mayoralty survey sa Ormoc City.

SEEN: Ang balita na malapit ng matapos ang negosasyon sa bilihan ng GMA 7.

SCENE: May sawa factor ang second viewing ng American Idol duet nina Jennifer Holliday at Jessica Sanchez.

SEEN: Nakasakay sa ambulansiya si Chief Justice Renato Corona nang dumating ito kahapon sa senado para sa kanyang impeachment trial.

Naglakad si CJ Corona dahil tumanggi siya na sumakay sa wheelchair.

SCENE: Ipapasyal bukas nina Mona Louise Rey at Jillian Ward sa Enchanted Kingdom ang mga less-privileged mother and children. Sina Mona Louise at Jillian ang mga bida ng Luna Blanca ng GMA 7.

Show comments