^

PSN Showbiz

Stem cell usung-uso na!

-

MANILA, Philippines - Tutok lang ngayong Sabado alas-diyes ng umaga sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV dahil tiyak na maiibigan ninyo ang mga tatalakaying topic tungkol sa ating kalusugan at kagandahan.

Ipakikita ni Mader Ricky kung gaano kabisa ang Malunggay Shampoo na bestseller sa kanyang mga Gandang RR Salon sa ibat-ibang lugar ng bansa. Lunas ito sa nalulugas na buhok. At mula mismo sa bibig ng mga gumamit, ito’y garantisadong bumubuhay at nakakapagpalago ng buhok.

Kung gusto naman ninyong magkaroon ng makinis na balat, ang pagpapahid ng lotion na may Vitamin C ang dapat gawin. Sa mga overweight naman, malakas na pampapawis at pagbawas ng timbang ang pagpunta sa mga gym kung saan merong ehersisyong tulad ng zumba, yoga, kickboxing, atbp. 

Panauhin sa show ang mga seksing chef na sina Rachel at Barni Alejandro na magbabahagi ng mga recipe na yummy pero ‘di nakakapagpataba. At sa ibinabalik na Make Over Magic (Nu Yu) ay tampok si Rex Atienza na isang celebrity stylist ng Natasha na magbibigay naman ng tip sa mga nauusong fashion design.

Eto naman ang bagong paraan ng pagpapagaling ng arthritis … Stem Cell Method na may kamahalan man ang gamuta’y epektibong tunay. Pag ginawan ka nito’y goodbye na sa pananakit ng katawan, pamamanhid ng kamay at pamumulikat ng mga legs

GANDANG RICKY REYES

LIFE AND STYLE

MADER RICKY

MAKE OVER MAGIC

MALUNGGAY SHAMPOO

NU YU

REX ATIENZA

STEM CELL METHOD

VITAMIN C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with