^

PSN Showbiz

Boys ng Dream High nakaka-high!

-

MANILA, Philippines - Gabi-gabi’y pinapakilig na nga ang sambaya­nan ng naggagwapuhang boys ng phenomenal hit Korean series na Dream High na kinabibilangan ni Taecyeon bilang Gino, Wooyoung bilang Jason, at Kim Soo-Hyun bilang Marco. Si Taecyeon at Wooyoung ay parehong miyembro ng sikat na Kpop group na 2PM. Unang pagkakataong umarte ni Wooyoung sa Dream High kaya naman ganun na lang ang pananabik dito ng kanyang fans habang si Taecyeon naman ay nagsimulang maging aktor sa seryeng Cinderella’s Sister. Tanging si Soo-Hyun ang cast ng idol drama na hindi singer o miyembro ng boy band ngunit may angking talento sa pagkanta.

Ang pagganap niya bilang Marco ang tuluyang nagpaangat ng karera niya dahil kaliwa’t kanang parangal ang natanggap niya rito. Hanggang nga­yon ay tinatamasa pa rin ng tatlo ang kasikatang dala sa kanila ng Dream High na katatapos lang ipalabas ang ikalawang yugto ng serye sa Korea.

Kamakailan, pinarangalan ang Dream High ng Golden Rose award sa Children and Youth ca­tegory ng prestihiyosong Rose D’Or Awards sa Switzerland kung saan ito ang tanging programang nominado mula sa Asya.

Patuloy na panoorin sina Taecyeon, Wooyoung at Soo-Hyun sa award-winning serye na Dream High, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng PBB Teen Edition 4 sa ABS-CBN.

CHILDREN AND YOUTH

DREAM HIGH

GOLDEN ROSE

KIM SOO-HYUN

OR AWARDS

ROSE D

SI TAECYEON

SOO-HYUN

TAECYEON

WOOYOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with