Agot tambak na ang project kahit wala pang pinipirmahan sa GMA 7

Talagang Kapuso na si Agot Isidro.

Sunud-sunod ba naman ang kanyang project sa nilipatan eh. At ito ay sa kabila ng pangyayaring hindi pa in black and white ang kanyang status sa GMA 7. Hindi pa niya talagang napipirmahan ang kanyang kontrata pero hindi ito hadlang sa kanyang paglipat ng istasyon. 

Welcome to GMA, Agot!

GMA shows, sunud-sunod na magtatapos

Ang daming teleserye ng GMA 7 na halos sabay-sabay kundi man magkakasunod na magtatapos. Tulad ng My Beloved nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, The Good Daughter nina Kylie Padilla at Rocco Nacino, Hiram na Puso nina Kris Bernal at Mark Herras, Legacy nina Lovi Poe, Heart Evangelista, at Alessandra de Rossi at ang Koreanovela na Dong Yi.

Pero kung marami man ang magtatapos, mara­mi rin ang mga bagong papalit. Impressive ’yung pag­­tatambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes na maganda ang reaksiyon ng mga fans sa My Beloved. Equally impressive din ’yung mga ibang teleserye na napanood ko. But then kilala naman ang GMA 7 sa pagbibigay ng mga magagandang palabas, sa hapon man o gabi. 

‘Marami ang disappointed’

Sayang ang American Idol dahil talagang pina­kahihintay sa buong mundo ang resulta ng paligsahan hindi sa pagalingan sa pagkanta kundi ng pa­ramihan sa text votes. Kung sa pagalingan ng pagkanta iba-base, Jessica Sanchez will win the title hands down. Mas maga­ling na singer si Jessica kesa kay Phillip Phillips. Marami nga ang disappointed dahil sa huling performance ng dalawa, parang mas pumabor ang tatlong judges sa taga-Georgia na si Phillip.

At kahit ayaw kong tanggapin, isa namang guitar-playing gentleman ang nanalo sa AI. Pero malaki ang pag-asa ng ating bansa na makakita pa rin ang half-Pinay, sa American Idol.

Show comments