Mas makulay at exciting na Hair and Makeup Trends 2012
MANILA, Philippines - Inaanyayahan ni Ricky Reyes, founder at pangulo ng Filipino Hairdressers Cooperative (Filhair) sa taunang Hair and MakeUp Trends 2012 na gaganapin bukas, Miyerkules, May 23 sa Elements of Tetris, EDSA corner Quezon Avenue, Quezon City.
Sa ribbon-cutting ay dadalo si QC Mayor Herbert Bautista, mga bisitang miyembro ng APHCA (Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association) sa ganap na alas-diyes ng umaga.
Bukod sa kumpetisyon na Hair Cut and Blow, Hair color, Bridal make up at Fantasy make up ay marami ring show tulad ng mga demo sa modernong gupit, style at pagkukulay ng buhok at paglalagay ng make up. Marami ring tent na ang mabibili’y health at beauty products.
Ang tatanghaling kampeon ay magiging representative sa taunang APHCA convention and competition sa Nobyembre na gaganapin sa Indonesia.
Maaaring magtanong sa Filhair Secretariat 726-1154 at 726-8218 at hanapin sina Bong Soriano o Chit Bakanquit and interesadong lumahok.
Nasa larawan si Mader Ricky (ikaapat mula kaliwa), mga panauhin, modelo at winners ng Hair and Make Up Trends 2011.
- Latest