Pamalican Diaries bubuksan sa Born to be Wild
MANILA, Philippines - Sa loob ng halos dalawang linggo ay nilibot ni Doc Nielsen Donato, kasama ng buong team ng Born to be Wild, ang dagat ng Bohol upang ma-dokumento ng mga balyena at dolphins dito para sa The Born Expeditions: The Whale of Two Whales.
Ngayong Miyerkules ng gabi, saksihan ang mga behind the scene stories habang ginagawa ang The Tale of Two Whales. Paano nga bang nakunan ng video ng grupo ang dalawa sa pinakamalalaking nilalang sa karagatan?
At bukod pa sa blue whale at Bryde’s whale, tampok rin ang isa pang higanteng nakunan ng grupo—ang pinakamalaking isda sa buong mundo!
Matapos ang ilang araw na pamamalaot, hindi rin naman pinalampas ni Doc Nielsen ang pagkakataong makilala ang mga taga-Pamalican at makapagbigay ng libreng paggamot at check-up sa mga alagang hayop ng mga ito.
Sa kanyang paglilibot, laking gulat ni Doc Nielsen nang makita niyang sa kabilang baryo, may mangilan-ngilang manta rays na hinuli at pinatutuyo upang ibenta.
Abangan lahat ng iyan ngayong Miyerkules ng gabi sa Born to be Wild ng GMA 7.
- Latest