Heart ayaw pa ng bagong lalaki!

Nakikitang nakikipag-date na muli si Heart Evangelista.

Lately, nakikitang madalas niyang kasama si Sid Lucero na katulad niya ay single din. Ang hindi napapansin ng maraming nakakakita sa kanila ay hindi silang dalawa lamang ang lumalabas. Kasama nila ang mga co-stars nila sa Legacy.

 “Masaya ako dahil effective ang team-up namin sa Legacy. Marami kaming napapaniwala sa aming mga roles. Pero magkaibigan lang talaga kami,” ani Heart.

Inamin din niyang hindi lamang siya kay Sid sumasamang lumabas, sinusubukan din niyang mag-enjoy na kasama ang iba.

Hindi pa siya naghahanap ng bagong karelasyon. At hindi man niya tuwirang sabihin, wala ng tsansa pa na magkabalikan sila ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Marian gabi-gabing umiiyak

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng My Beloved, mapagtutuunan na ng pansin ni Marian Ri­vera ang kanyang sitcom na Tweets for My Sweet na exact opposite ng magtatapos na programa.

Gabi-gabi ay wala siyang ginawa kundi ang mag-iiyak sa My Beloved at pagkatapos tuwing Linggo ay inaasahang mapapatawa naman niya ang mga manonood sa comedy show.

Jennylyn nag-birthday sa mall

Talagang suportado na si Jennylyn Mercado ng grupong Gabriela. Dinaluhan ng mga 300 miyembro nito kasama ang mga pamilya nila sa pormal na pagiging miyembro niya ng grupo sa Starmall San Jose del Monte, Bulacan na kung saan ay napaaga ng isang araw ang pagdidiriwang niya ng kanyang birthday. Sa halip na tumanggap siya ng regalo, siya ang namigay ng mga giveaways na mula sa kanyang mga sponsors.

May donasyon din ang Villar Foundation ng mga school supplies para sa lahat ng dumalo. Nagkaroon ng maikling programa na kung saan ay kinantahan ni Jennylyn lahat ng wellwishers niya. Ang kaibigang si Isabel Oli ang nag-host ng programa.

Nagiging puntahan na ang Starmall sa Bulacan ng mga tao dahilan sa maraming star-studded events na ginaganap dito.

Show comments