Pagli-link kina Coco at Angeline pilit!

Napaka-suwerte ni Angeline Quinto na binigyan sa malaking break ng Star Cinema sa pamamagitan ng kanyang debut movie na Born to Love kung saan niya kapareha ang kanyang hinahangaang actor na si Coco Martin.

Aminado ang singer-turned actress na dream come true umano para sa kanya ang magkaroon ng pelikula at makapareha ang award-winning actor na si Coco. 

Although may pelikula, huwag na sanang piliting lagyan ng romantic angle ang dalawa dahil magi­ging pilit. Ibenta na lang sana ang merito ng pelikula.

Bilang isang baguhan sa larangan ng pag-arte, marunong makinig at sumunod si Angeline sa mga suhesitiyon sa kanya kaya hinangaan siya ng kanyang mga katrabaho sa pelikula including Albert Martinez at Coco.

Pagsasamahin uli sa pelikula

Naging matagumpay sa takilya ang My Househusband ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Ju­dy Ann Santos na isa sa mga entries ng 2011 Metro Manila Film Festival na dinirek ni Jose Javier Reyes under OctoArts Films at masa ang OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad sa naging outcome ng pelikula sa takilya. Katunayan, may plano pa si Boss Orly na muling pagsamahin sa pelikula ang mag-asawa. Hindi nga lamang sigurado kung sa MMFF dahil kinu-consider si Juday na mapasama sa pelikulang muling pagsasamahan nina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla para sa MMFF. 

Samantala, malapit na ring simulan ni Juday ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN kung saan niya makakasama sina Sam Milby at KC Concepcion.

Kasal ni Melissa tuloy na

Tuloy na tuloy na ang pakikipag-isang-dibdib ng aktres na si Melissa Mendez (Melisa Yap sa tunay na buhay) sa kanyang non-showbiz boy­friend na si Erico Reyes Gobencion sa dara­ting na July 27 (Friday) sa ganap na ika-5:00 ng hapon sa pamamagitan ng isang Christian wedding na gaganapin sa The Blue Gardens sa Quezon City to be officiated by Pastor Luther Mancao

Mona Louise tatlong beses sa isang araw nag-i-insulin

Pitong taong gulang pa lamang ang child actress na si Mona Louise Rey pero diabetic na ito at tinuturukan na siya ng insulin three times a day. At out na rin sa kanya ang matatamis at kasama na rito ang mga paborito ng bata – cakes, candies,  at chocolates. Dahil alam niya ang kanyang sakit, hindi na niya ito hinaha­nap. Kung ang ibang bata ay takot sa turok, kay Mona Louise ay normal na ito at hindi na niya iniinda.

Si Mona Louise ay isa sa mga bida ng bagong TV series ng GMA, ang Luna Blanca kung saan niya co-lead ang isa bang child star na si Jillian Ward.

Hindi pa alam ng mag-asawang Rizal Governor Jun-Jun at Andeng Ynares ang gender ng ikatlong ipinagbubuntis nga­yon ni Andeng. Kung sila lamang ang masusunod, gusto nila na maging boy na ang next baby nila dahil nakakadalawang girls na sila.

Samantala, gusto naming pasalamatan ang mag-asawang Gov. Jun-Jun at Andeng at maging sa kanilang staff na si Vangie Vitug sa assistance na kanilang ibinigay sa aming namayapang pamangkin na si Rolando Gayo nung ito’y dalhin sa Rizal Medical Center. May your tribe increase.

Show comments