Tulong ni Gaga kay Maria Aragon biglang naalala

Sa kabila ng napakarami ang tumututol na magtanghal si Lady Gaga dito sa bansa dahil sa kanyang diumano’y anti-Christian music hindi mapigilan ng maraming fans na maghintay kundi man sa labas ng hotel na kanyang tinutuluyan ay sa lobby nito.

Sobra ang pagnanais nilang makita man lamang ang singer na lubhang kakaiba ang image at sa ilang mga nagkapalad na makita siya’t malapitan ay sobrang natuwa talaga dahil nakipagtsikahan pa ang nagpasikat ng mga awiting Born this Way, Poker Face, Paparazzi, to name a few, sa kanila.

Sa kabila ng sinasabing pagiging anti-Christ, na-feel nila ang pagiging Kristiyano ni Lady Gaga at naalala kung paano nito tinulungan ang career ng Fil/Canadian na si Maria Aragon.

Jacky Chan magreretiro na

Nakalulungkot naman na last action movie na ni Jacky Chan ang Chinese Zodiac. Gusto na nitong magretiro sa edad na 58 at kahit marami ang tumututol sa pasya niya, sinabi nito na sapat na sa kanya ang maraming taon na paglabas sa mga pelikulang siya mismo ang gumagawa ng kanyang mga stunts at nagpasaya sa maraming manonood. Ang Chinese Zodiac na mapapanood sa Cannes Film Festival ay siya mismo ang nagdirek at inaasahan niyang maaalala pa rin ng manonood 20 years from now.

Ang maraming pelikulang ginawa niya ay ipina-direct niya sa iba. Inaasahan naman niya na makalabas sa mga pelikula na magpapakita ng kanyang talento sa pag-arte at hindi sisira sa kanyang  katawan at kalusugan. A Jacky Chan will always be a Jacky Chan, action man o hindi ang kanyang pelikula ’di ba?

PP kailangan ng simpatya

Akala ko ba ay naoperahan na si Phillip Phillips noon pang mga unang araw niya sa American Idol? ’Yun pala ooperahan pa lang siya pagkatapos ng grand finals at marami ang nagsasabi na ginagawa niyang dahilan ang pagpapaopera niya para makakuha ng sympathy votes.

Well, kung totoo man ito, all is fair even in musical competitions na text votes ang pumipili ng mananalo.

Show comments