Lady Gaga ready palang pakulong sa 'Pinas

Walang nangyari sa mga protesta ng iilan sa concert ni Lady Gaga na ginanap sa MOA Arena. Ayun hanggang kagabi ay natuloy ang kanyang concert. Kaya naman aliw daw si Lady Gaga.

Kahapon ay nag-tweet siya : “And don’t worry, if I get thrown in jail in Manila, Beyonce will just bail me out. Sold out night 2 in the Philippines. I love it here!” reaction niya sa mga protesta.

Anyway, asan na kaya ‘yung ibang pulitiko na nakisakay sa isyu?

Pagsasanib ng GMA 7 at TV5 tuloy na raw sa November

Masyadong maraming nangyayari sa paligid ngayon. Kahapon abala ang lahat sa Impeachment Trial ni CJ Renato Corona kung saan tumestigo na ang punong mahistrado.

Bukod sa Impeachment, abala rin ang marami sa kampanya para kay Jessica Sanchez na malalaman na ngayon kung siya na nga ba ang kauna-unahang Pinoy na mag-uuwi ng titulong American Idol.

Mainit ang pustahan at 50/50 ang pakiramdam nila sa tsansa ni Fil-Mexican singer.

May tsismis din kahapon na tuloy na ang pagsasanib ng GMA 7 at TV5 sa November. Kaya nga ang biruan kahapon nang umapir si Ms. Wilma Galvante sa album launching ng grupong Down to Mars, babalik na raw si Ms. Wilma sa dati niyang posisyon sa GMA7. Kasi nga ‘di ba nasa TV5 na ang dating Kapuso executive.

Hiyas ni Megan tuloy na ang paglabas; Relasyon kay Dra. Belo idinenay ni Edward

Finally, ipapalabas na ang Hiyas ni Megan Young. Halos isang taon pala itong hinintay bago tuluyang ipapanood.

Ka-partner niya rito si Zanjoe Marrudo.

Kuwento ng dalawang magkaibang mundo at dalawang magkaibang pagkatao, magtatagpo sa iisang tadhana, magsasalo sa iisang damdamin, at madadarang sa iisang pagkakasala.

Sisimulan na ito ngayong Lunes (May 28) sa Precious Hearts Romances.

 Makakasama rin nila rito ang hunk model turned actor na si Edward Mendez at ang tinaguriang prinsesa ng Pinoy indie films na si Mercedes Cabral.

 Kuwento ito ng magiting na mandirigmang si Silang (Zanjoe) na ang tanging hangad lamang ay mapakasalan ang babaeng iniibig mula sa kabilang tribo na si Giana (Mercedes). Sa kasamaang palad ay hindi sang-ayon ang ama ni Giana sa kanilang pag-iisang dibdib dala na rin ng alitang galing ito sa kalabang tribo na siya namang pinamumunuan ng ama ni Silang.

 Nagsimula ang hidwaan ng mawala ang hiyas na nagsisimbulo ng kapayapaan at kasaganaan sa kanilang lugar. Upang payagan si Silang na mahingi ang kamay ni Giana, kinakailangan niyang mahanap ang hiyas, hindi lamang para sa sariling interes kung hindi para na rin mapanumbalik na ang pagkakasundo sa pagitan ng dalawang tribo.

 Kaya naman tutungo si Silang sa siyudad para subukang hanapin ang nawawalang hiyas. Sa kanyang pakikipagsapalaran, magkukrus ang landas nila ni Sapphire (Megan), isang maganda, may pinag-aralan, at mayamang babaeng dapat sana’y ikakasal na sa kasintahang si Aldrich (Edward) na hindi nakasipot sa mismong araw ng kanilang kasal.

Sa hangaring makawala at makalimot sa sakit at kahihiyang inabot dala ng naudlot na kasal, sasama si Sapphire pabalik sa tribo ni Silang at dito na magsisimulang mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa. Lingid sa kaalaman nila na nahuhulog rin pala sila sa isang malalim na pagkakasala bunsod ng ginagawang paglabag ni Silang sa kasunduan.

 Ano ang kahihinatnan ng kanilang pagmamahalan?

Ay idinenay nga pala ni Edward na may relasyon sila ni Dra. Vicki Belo. Ayon kay Edward, platonic ang relasyon nila at ayaw niyang sirain kung anuman ang namamagitan sa kanila sa kasalukuyan.

Show comments