Echo, na-in love na kay Cristine?

Manila, Philippines - Unti-unti nang nagkakalapit ang mga karakter nina Jericho Rosales at Cristine Reyes sa Dahil sa Pag-ibig. Matapos magtagumpay na makuha ang tiwala ng pamilya ng lalaking pumaslang ng kan­yang mga magulang, desidido na si Oliver (Jericho) na gantihan si Leo Valderama (Christopher de Leon) sa pamamagitan ng pagwasak sa pamilya nito. Ngunit sa gitna ng kanyang planong paghihiganti ay ang pagkabuo ng espesyal na pagkakaibi­gan nila ng anak ni Leo na si Jasmin (Cristine). Sadya na kayang nahulog ang loob ni Oliver kay Jasmin o bahagi rin ito ng kanyang mga planong wasakin ang buhay ni Leo? Ititigil ba ni Oliver ang paghihiganti sa sandaling matuklasan niyang ang anak-anakan ng mortal niyang kaaway na si Fr. Alfred (Piolo Pascual) ay ang tunay niyang kapatid?

Show comments