Nakakatuwa ang Penshoppe at Bench dahil nagpapaligsahan sila sa pagkuha ng international endorser. Halimbawang may nakuhang bagong endorser ang Bench, i-expect n’yong tatapatan ng Penshoppe and vice versa.
Nasa bansa ngayon si Ian Somerhalder ng The Vampire Diaries at Lost (una niyang ginawa) dahil siya ang bagong foreign endorser ng Penshoppe. Naalala namin si Pauleen Luna na matindi ang crush sa binata at crush din siya nina Rachelle Ann Go at Janine Gutierrez.
Hindi nagpahuli ang Bench dahil kinuha si Joe Jonas ng Jonas Brothers at nauna pa silang naglabas ng print ad nito for Bench. Pero wala pa nga lang balita kung kailan dadalhin sa bansa ni Mr. Ben Chan si Joe.
Game show nina Edu at Joey, ipantatapat ng TV5 sa ASAP at Party P
Totoo ang balitang gagawin ng weekly ng TV5 ang game show na Game N’ Go na sina Edu Manzano at Joey de Leon na ang hosts. Walang balita kung kasama pa rin sa game show sina Shalani Soledad-Romulo, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, at iba pang na-press release na makakasama ni Edu.
Every Sunday lunch time raw ang time slot ng Game N’ Go, ibig sabihin, ang game show ang ipantatapat ng TV5 sa ASAP ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA 7.
Sid lungkot na lungkot sa paghihiwalay nila ni Heart
Kinilig ang may gusto sa tambalan nina Sid Lucero at Heart Evangelista sa Legacy sa mga nabasang tweet ng aktor na lungkot na lungkot sa nalalapit na pagtatapos ng first soap na pinagsamahan nila ng dalaga.
Unang tweet ni Sid: “Tomorrow will be the saddest last taping day ever” at sinundan ng “I have to say I have never worked with anyone as great as H Evangelista. The industry needs her.”
Itanggi man ni Sid, obvious na matindi ang paghanga niya kay Heart at ang dating sa ibang nakabasa ng tweets niya ay in love ito sa aktres. Nali-link din si Heart kay Sen. Chiz Escudero na inaming nakasama niya sa pagka-kape minsan at ang huli ay kay Pres. Noynoy Aquino.
Sayang at mapuputol ang tambalan ng dalawa dahil si Heart ay nasa Luna Blanca at si Sid ay makakapareha ni Jennylyn Mercado sa soap na My Little Sister.
Edgar Allan pressured sa dalawang stage plays
Dalawang stage plays na ang gagawin this year ni Edgar Allan Guzman at parehong mga pelikula ni Nora Aunor. Ito’y ang Bona na ka-alternate niya si Paulo Avelino at kapareha nila si Eugene Domingo, prodyus ng PETA at sa direksiyon ni Soxy Topacio at Bakit Bughaw ang Langit.
Ang alam ni Edgar, Bakit Bughaw ang Langit lang ang kanyang gagawin pero madi-delay ito at baka mauna ang Bona. Pressured siya sa two projects at wish na matuloy pareho. Kailangan lang niyang panoorin ang DVD copy ng pelikula para may background siya.
Ilang linggo nang nakabalik sa bahay ng ina si Edgar, masaya raw muling makasama ang pamilya kasi may nakakausap siya at may nasasabihan ’pag may problema siya.