TV host nakalibre sa stem cell sa Germany

Ay naunahan na pala si ’Nay Lolit Solis ng TV host na si John Nite na magpa-stem cell sa Germany.

Right, nagpa-stem cell na ang co-host ni Kuya Germs Moreno sa programang Walang Tulugan.

Pero libre lang daw ang nasabing proseso na ginawa sa TV host bilang bayaw niya si Dr. Tranquilino Elicaño - na asawa ng kapatid ni John.

Almost a million (converted na sa peso) daw ang halaga ng bawat treatment sa isa.

Si Dr. Elicaño na popular ang medical column sa kapatid na diyaryo ng Pilipino Star NGAYON, The Philippine Star, ang naging daan para makalibre sila.

Anyway, nakakuha na ng sponsor si Nay Lolit sa kanyang ‘pangarap’ na stem cell sa Germany. May schedule na ang araw niya. Monday pupunta raw siya ng Germany at Friday sure na siya na pabalik na siya ng Pilipinas para makahabol sa episode ng Startalk ng Sabado.

Wala pa naman siyang nabanggit na petsa kung kailan. Basta may sked lang siya kung ilang araw siya sa Germany. Hindi na raw kasi kailangang mag-check in sa hotel dahil sa mismong hospital kung saan isasagawa ang proseso titira ang pasyente.

Isa si Erap sa mga naunang nagpa-stem cell.

Sen. Miriam mahusay umeksena

Mahusay si Sen. Miriam Santiago ha. Alam niya kung kailan eeksena na siguro ay hindi naman niya sinasadya.

Ngayon hindi na siya pang-news, pang-showbiz na rin. Mina-match niya si Heart Evangelista kay Pangulong Noy­noy Aquino. Nauna na siyang dumalaw sa set ng Lega­cy, ang serye na kinabibilangan ni Heart sa GMA 7 para raw matanggal ang stress niya.

At ito, kay Megastar Sharon Cuneta naman siya nagkaroon ng konek nang mag-guest siya sa talk show nito sa TV5, Sharon, Kasama Mo, Kapatid.

Aba hinulaan niya ang megastar na magiging senador.

Ngayon ang araw nang pagharap ni CJ Renato Corona kaya siguradong may sariling eksena si Sen. Miriam. So hindi siya nawawala sa balita.

Mga nag-rally kay Lady Gaga inulan

Inulan ang mga nagpo-protesta kahapon laban sa concert ni Lady Gaga sa ginanap kagabi at meron pa ngayong gabi. Kaya lang nasayang ang effort ng mga nagra-rally dahil imbes na mapigilan ang concert, mas lalo lang nilang pinalaki ang isyu ni Gaga na ang kuwento niya sa unang concert niya sa Araneta ay Pinay ang bestfriend niya. Ewan ko ba naman sa mga nagra-rally na ‘to. Baka mamaya magkasakit pa sila sa kaka-rally, wala naman silang mapapala.

Samantala, bantay-sarado kagabi ang concert ni Gaga. Banned din ang kanta niyang Judas na ang tagal nang napapanood ang music videos sa mga music channel eh hindi nila pino-protesta.

Kung may makikitang masagwa at hindi naayon sa paniniwala ng Pasay government, kakanselahin nila ang second night ng concert ni LG.

Show comments