^

PSN Showbiz

Tabi ka muna John Lloyd, Gerald uunahin ng Viva para kay Sarah!

- Veronica R. Samio -

Dahil ang tambalan nila ni Gerald Anderson, to­too man o gimik lang ang pagli-link kay Sarah Ge­ronimo, ang mas mainit ngayon kung kaya mina­rapat ng Viva, ang kumpanyang humahawak sa ca­reer ng Pop Princess, na ipagpaliban na muna ang pelikulang pagtatambalan nila ni John Lloyd Cruz at sa halip  ay naghahanap ngayon ng istorya na magagamit sa isa pang tambalan nila ni Gerald.

Bagama’t hindi pa inaanunsyo ng Viva ang mga makakasama ni Sarah sa kanyang birthday concert sigurado na ang lahat na hindi mawawala sa listahan ang Kapamilya actor na nagpapakilig hindi la­mang sa maraming Sarah-Gerald fans kundi maging kay Sarah mismo.

Sam maganda ang naging exposure sa US

Hindi man maging matagumpay ang unang venture ni Sam Milby para makalabas sa TV sa Amerika, hindi siya nawawalan ng loob. Babalik at babalik siyang muli dun para gumawa pa ng ibang auditions.

Maganda naman ang naging karanasan niya habang hinihintay ang resulta ng kanyang audition. Marami naman ang nakapuna at naging interesado sa kanya. Tulad ni Kevin Jonas, Sr., manager ng Fil-Am na si Anna Maria Perez de Tagle at ama ng napaka-popular na grupong Jonas Brothers.

Ginawa siya nitong guest sa concert ni Anna Maria at patok na patok si Sam sa mga manonood. Dahil dito, nabigyan ng encourage­ment si Sam na muling bumalik ng US para subukan muli ang kanyang kapalaran.

Chad Borja gumagawa na ng bagong album

Isa ako sa natutuwa dahil nakabalik ng muli ang magaling na singer na si Chad Borja sa music scene. Ilang panahon din itong nawala dahil sa throat cancer pero magaling na ito ngayon at bukod sa dumarami na ang kanyang gig ay gumagawa na rin siya ng kanyang bagong album. Sayang nga naman kung hindi niya makukuhang muli ang pagtangkilik sa kanya ng marami dahilan sa kanyang magandang boses. Hindi naman binago ng gumaling niyang kanser ang kanyang boses kahit kinailangan din niyang mag-adjust at maghintay ng panahon para magbalik ang timbre ng kanyang boses.

Naaalala ko pa na isa ako sa nakikipagsiksikan kapag may gig siya nun sa napaka popular na Cosmo Bar sa Greenhills. Hindi lamang ako kundi maraming kasamahan ko sa media at taga-showbiz ang present palagi sa mga shows niya.

Dahilan sa kanyang kasikatan kung kaya kinuha siya ni German Moreno para maging isa sa mga male co-host sa popular nitong Sunday program na GMA Supershow. Ang kasikatan ng isa sa mga ni-record niyang kanta, ang Ikaw Lamang, ay nagbunsod sa isang movie producer na gawin itong theme song ng isang pelikula na may kapareho ring tituo at tinatampukan ni Vilma Santos.

Hiling ni Chad na matanggap muli ng tao hindi lamang ang ginagawa niyang album kundi ang pagbabalik niya sa concert scene. Sa mga fans niya, mapapanood siya sa May 23 at June 3 sa 19 East sa Parañaque.

ANNA MARIA

ANNA MARIA PEREZ

CHAD BORJA

COSMO BAR

DAHIL

GERALD ANDERSON

GERMAN MORENO

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with