Judy Ann ipinagtanggol ang pagpatol ni Sharon sa nang-aasar sa Twitter

Suwerte ng mga mommies na dumalo sa 100 percent Panatag World event na bumibisita sa malls sa Metro Manila at sponsored ng New Lactum 3+& 6+ng Mead Johnson sa rami nang na-share at nabigay na tips ni Judy Ann Santos kung paano magpalaki ng mga batang 100 percent nourished.

Itinuro ni Judy Ann kung paano magagawang exciting at colorful ang paghahanda ng mga gulay para ganahang kainin ng mga bata at anong mga pagkain ang masustansiya na kailangan ng mga lumalaking mga bata.

Galing sa Singapore sina Judy Ann, Ryan Agoncillo, at ang kanilang pamilya. Birthday treat ’yun ni Ryan sa aktres at sagot nito lahat ang gastos. Malapit ng maging busy ang aktres dahil kung matutuloy na siya ang pumalit kay AiAi delas Alas sa pelikulang kasama sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto, baka sumabay ito sa taping ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN.

Inaalam na nina Judy Ann ang taping at shooting schedule dahil ayaw niyang nag-o-overlap ang kanyang schedule dahil ayaw pabayaan ang mga anak at hindi na rin niya kaya ang puyatan kaya may 12 m.n. cut-off siya.

Hiningi ang reaction ni Judy Ann sa bagong isyu sa Twitter ni Sharon Cuneta na very close sa kanya.

Sabi nito: “Hindi mapipigilan ang damdamin ng isang ina lalo na kung below the belt ang paninira, maglalabas ka talaga ng panlaban. Kung mangyayari sa akin ’yun, baka maging halimaw din ako. May mga bagay na hindi na dapat tini-tweet. Tapos na ang isyu (KC-Piolo), ginising pa.”

Mona Louise hindi naniniwala sa engkanto

Magpa-pilot pa lang mamaya after 24 Oras ang Luna Blanca at three days pa lang nagti-taping si Mona Louise Rey, pero alam na kung ano ang bibilhin sa talent fee niya. Bibili siya ng iPad at iPhone at iba pang gadgets.

Matagal hindi na-interview si Mona, kaya mara­ming kuwento. Masaya siyang magkaroon uli ng regular soap at ready nang mag-taping. Hindi siya naniniwala sa engkanto na tema ng Luna Blanca pero nag-iingat din siya.

Ini-English kami ni Mona na grade three na sa pasukan. Gagawan na rin ng paraan ang hindi pantay niyang ngipin kasi permanent teeth na ’yun at ’di na mapapalitan.

Pamilya Valenciano, nananawagan na i-boycott ang concert ni Lady Gaga

Kabilang ang mag-asawang Gary Va­lenciano at Angeli Valenciano pati ang anak nilang si Gab Valenciano sa nananawagan sa mga Pinoy na ’wag panoorin ang two-night concert ni Lady Gaga. Kaya lang, ayaw paawat ng mga Pinoy at sold out na ang tiket sa concert na magsisimula mamayang gabi.

Tweet ni Angeli: “If you love Jesus & want to honor Him, do not allow your children to watch Lady Gaga. Her song Judas honors Judas, the man who betrayed Jesus.”

Sinundan ito ng tweet ni Gary na: “Do not let the young people of this generation be deceived” at may hashtag na #stopladygagaconcert.”

Ang tweet ni Gab: “I don’t know how many Lady Gaga Pinoy fas are out there, but to those watching her show, please pray about it and think it through. Thanks!”

Pero sabi ng mga defenders ni Lady Gaga, para sa ex nitong nanloko sa kanya ang kantang Judas. Sundin kaya ng promoter ang utos ng Pasay City government na i-request sa management ni Lady Gaga na ’wag isali sa repertoire nito ang Judas?

Show comments