^

PSN Showbiz

AiAi aasikasuhin na ang kasal sa non-showbiz BF sa Amerika!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Pinag-uusapan na nina Chynna Ortaleza at ng kasintahan nitong si Railey Valeroso ang pagpapakasal. Pero mukhang matagal pa dahil ang gusto ng aktres ay tapusin muna nito ang kontrata niya sa GMA 7 bago siya magpakasal.

Masaya naman sila sa kanilang relasyon na umabot na ng siyam na taon.

Tingin ni Chynna, malaking bagay ang pag-lie low ni Railey sa showbiz kaya tahimik ang kanilang relasyon at hindi ito naiintriga.           

Ayaw naman ni Railey na mag-showbiz pa at kuntento na siya sa negosyong mina-manage.

Si Chynna naman ay tuluy-tuloy ang trabaho sa GMA 7, at ang latest nga ay ang Luna Blanca na magsisimula na sa GMA Telebabad ngayong araw.

PAK: Nagulat si Edgar Allan Guzman ng ini-announce ng manager niyang si Noel Ferrer na siya ang makakatambal ni Eugene Domingo sa stageplay ng PETA na Bona.

Binanggit ito ni Noel sa book launching ni Eros Atalia nung isang araw na ikinabigla ng young actor.

Matagal na kasing hindi sila nag-uusap na da­lawa, kaya nalaman na lang ni Edgar Allan ng ma-announce nga ito ng manager niya.

Ka-alternate ni Edgar Allan si Paulo Avelino, at panibagong challenge ito sa kanyang showbiz career.

Ang malaking challenge lang sa dating indie actor ay kung paano ito makipag-ayos sa kanyang manager na may matinding tampo sa kanya.

BOOM: Ibinalita na ni Manay Lolit Solis na hindi na matutuloy si AiAi delas Alas sa pelikulang pagsasamahan nila nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto.

Magpapakasal na kasi si AiAi sa kanyang non-showbiz boyfriend na baka gagawin nila sa Amerika.

Ang pagkakaalam naman namin, ayaw siyang payagan ng Star Cinema na gawin ang project na ’yun dahil gagawin nito ang pelikulang pang-Metro Manila Film Festival na pagsasamahan nila nina Kris Aquino at Vice Ganda.

Kaya inaayos na ngayon nina Sen. Bong at Vic kung sino ang ipapalit kay AiAi.

 Ang dinig namin, kinakausap nila si Judy Ann Santos. Wala lang kaming ideya kung nagkausap na sila para i-finalize ang naturang offer.

                                   

vuukle comment

BONG REVILLA

CHYNNA ORTALEZA

EDGAR ALLAN

EDGAR ALLAN GUZMAN

EROS ATALIA

EUGENE DOMINGO

JUDY ANN SANTOS

KRIS AQUINO

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with