Mukhang hindi naman nadala si Sharon Cuneta sa lungkot na natamo niya sa pagkakaroon ng Twitter account. Bumalik na naman siya sa pagti-tweet at sana hindi na niya makaengkuwentro muli ang mga bashers niya.
Wala naman siyang balak makipag-away. Gusto niya lang makausap at mabati ang mga kaibigan niya. Gusto rin niyang magkaroon ng new friends, at hindi enemies. Kaya kayong may masasamang gawain sa Internet, keep away from her!
Jennifer tuluyan nang lalayasan ang American idol?
Akalain mo, ngayon ko lang talagang napatunayan na hindi ganun karunong pumili ng magagaling na contestant ang American audience. Hindi ako na-disappoint dahil mas lumaki ang tsansa ni Jessica Sanchez na manalo bilang 11th American Idol. Puwera na lang kung magtuluy-tuloy ang suwerte ni Phillip Phillips at siya ang manalo. Dun lang siguro ako malulungkot dahil kung matatalo man ang ating kababayan gusto ko sa isang kalaban na deserved manalo tulad ni Joshua Ledet at hindi ni Phillips.
Hindi na bago sa akin ’yung pag-dedma sa maraming standing ovations na ibinigay kay Ledet ng mga judges. Ginawa na rin nila ito nun kay Adam Lambert pero natalo pa rin ito ni Chris Allen. ’Tapos aalis pa sa show si Jennifer Lopez? Nakowww, mahihirapan bumangon ang show!
Pinoy actors nagagayuma ng foreign beauties
Nawawala na ba ang charm ng mga Pilipina? Dumarami ang mga kababayan nating lalaki na nagagayuma ng beauty ng mga foreign women.
Una na si Christian Bautista na isang Singaporean ang girlfriend. ’Tapos eto pa si Sam Milby na ang gustong ligawan ay isang modelo sa New York na may dugong Pilipino pero one fourth lang. Ang iba pang dugong nananalaytay sa ugat nito ay Irish, German, at Dutch. Ayaw pang sabihin ni Sam ang name ng girl sa takot na mabulilyaso ang panliligaw niya.
Pagbigyan na natin siya pero kamukha kaya ni Anne Curtis ang modelo?