Superman, nagpaka-tao!

MANILA, Philippines - Tinawag ng direktor na si Zack Synder bilang ‘‘the perfect choice to don the cape and S shield’’ si Henry Cavill at nagsimula nang mag-shooting ng Superman: Man of Steel na nakatakdang ipalabas sa 2013.

Pero kung kinasasabikan man ang bagong remake, ang mga manonood na mahilig sa mga makapigil-hiningang action ay kasaluku­yang aliw na aliw sa The Cold Light of day. Sa pelikulang ito, si Henry ay isang ordinaryong tao na ang pamilya ay kinidnap habang nagbabakasyon sa Spain. Para sila ay mailigtas, kinailangan niyang lumaban tulad ng isang Superman. 

Kasama ni Henry ang Hollywood legend na sina Bruce Willis at Sigourney Weaver, ang The Cold Light of Day ay follow-up movie ni Henry sa tagum­pay ng Immortals nitong 2011.

Show comments