^

PSN Showbiz

Danita nagmaldita sa ama!

- Veronica R. Samio -

Isang kanta lang ang hiling ni Manny Paner kay Danita, hindi pa nito nagawang pagbigyan.

Imbiyerna ang mga movie writers na nakasama kong dumalo sa birthday dinner na ibinigay ni Daisy Romualdez para  sa kanyang mister na si Manny nung Huwebes ng gabi sa Papa Danns, isang paluto restaurant sa may Maca­pagal Avenue na pag-aari ng isang kapa­tid ba o kamag-anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Danny Cuneta.

Hindi naman ganun karami ang guest na inim­bita ni Mama Daisy, mga fa­mily and close friends lamang na masaya kami dahil kasama pala kami sa mga itinuturing niyang friends. Andun sina Dinah Dominguez, Gov. Chavit Singson, Divina Valencia, Amalia Fuentes, ang mag-anak na Asistio sa pangunguna ng dating Caloocan Mayor Macario, Nadia Montenegro, Tanya Montenegro, Ynna Asistio, at isa pang kapatid na hindi ko maalala ang pangalan.  Dumating din ang anak ng mag-asawang Manny at Daisy na si Danita kasama ang ilang kaibigan. Hindi namin siya nakausap dahil sa second floor sila kumain at pagkatapos ng kainan ay agad nagpaalam dahil may pupuntahan pa raw.

Nagsisimula na ang sing-along nang magsabing aalis na si Danita. Narinig namin na hinilingan siya ng kanyang ama na nagdiriwang ng birthday at siyang may pa-party ng kahit isang kanta lamang bago siya umalis.

Pero hindi siya pinagbigyan ng anak at itinuluy-tuloy na lamang ang pag-alis. Siyempre nagulat kami dahil isang kanta lamang ay nagawa pang tanggihan ng batang artista bilang handog sa mapagmahal niyang ama.

Kababati lamang ng mag-inang Daisy at Danita. Nagkaroon sila ng samaan ng loob nang hindi pagbigyan ni Danita ang kahilingan ng ina na magparinig siya ng kahit isang kanta lamang sa isang event ng isang kaibigan ng kanyang ina. Hindi naman libre ang gagawing pagkanta ni Danita. Mayroon siyang matatanggap na P50,000 na TF mula sa nang-imbita. Pero hindi natuloy ang pagkanta ni Danita dahil diumano’y hindi pumayag ang manager ni Danita na si Annabelle Rama sa halagang matatangggap nito.

Humingi ito ng karagdagang P30,000 para mabuo ang halagang P80,000 pero nainsulto na si Daisy dahil kaibigan niya ang nag iimbita pero hindi pa napagbigyan. Pinalitan na lamang niya si Danita ng isa niyang alaga, si Paula Bianca. Dito nagsimula ang pagtatampo ng ina na pinalubha pang lalo ni Danita dahilan sa mga interviews niya ay “Ms. Daisy Romualdez” kung tawagin niya ang ina.

Pero gaya ng kasabihan, all’s well that ends well. Bati na ang mag-nanay. Si Danita ang nag-initiate ng pagbabati na bukod sa paghingi ng sorry ay nagbigay pa siya ng bulaklak dito. 

Pero mukhang nakatakda na namang may magtampong magulang sa prinse­sa ng TV5. I’m sure muling makararamdam si Manny Paner ng pagtatampo sa anak dahil hindi nito pinagbigyan ang kahilingan niyang kantahan siya sa birthday niya. 

Samantala, sa kabila ng pagdaragdag niya ng edad at timbang ay maganda pa rin ang dating aktres na si Amalia Fuentes. Ito lamang ang bisita ni Manny Paner na hindi kumanta pero kumanta si Ynna na maganda pala ang boses, ang kanyang amang si dating mayor Macario Asistio, ang kanyang inang si Nadia Montenegro, si Dinah Dominguez, si Divina Valencia at ang asawa nito. Nag-duet din ang mag-asawang Manny at Daisy, ganundin ang may-ari ng lugar na si Danny Cuneta at ang anak niyang alaga ni Daisy na si Paula Bianca na namana ang kagalingang kumanta ng mga Cuneta. Maagang nagpaalam si Gov. Singson sa takot na mapakanta siya.

Masarap ang pagkain sa Papa Danns. Blockbuster ang adobong pusit, tempura, halaan soup, crabs, calamares, pritong lumpia, menudo, at lalo na ang pansit. Umulan ng prutas na pagkatatamis.

Happy birthday, Manny Paner!

Roderick maraming detractors

Poor, poor Roderick Paulate dahil naging target siya ng pagbibintang na sinasabi ng marami ay gawain ng mga detractors niya dahil lamang sa maganda ang kanyang performance bilang konsehal ng Lungsod ng Quezon.

Sa kanyang pag-aartista at maski na sa bagong mundo ng pulitika na pinasok niya, gustong ma­panatili ng magaling na aktor ang kalinisan ng kanyang pangalan.

Samantala, patuloy si Roderick sa pagtanggap ng mga proyekto na makatutulong hindi lamang sa kanya kundi maging sa maraming lumalapit sa kanya at humihingi ng tulong. Malaking tulong sa kanya ang kinikita niya sa kanyang pag-aartista para masuportahan ang kanyang public service. Kasaluku­yan siyang bahagi ng cast ng Tweets for My Sweet ng GMA 7 na nagtatampok kina Marian Rivera, Sheena Halili, Nova Villa, at marami pang iba.

DAHIL

DANITA

KANYANG

LAMANG

MANNY PANER

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with