Nabawasan ang alalahanin ni Claudine Barretto nang magkaayos sila ng dalawang ground crew ng Cebu Pacific na sina Charice Bocboc at Christine Ilagan, Thursday morning sa isang private office.
Nagkapatawaran at nagyakapan ang tatlo at present din ang mothers ng dalawang ground crew na itinangging idedemanda nila si Claudine.
“I humbled myself. Nag-a-apologize ako sa pagtaas ng boses ko sa kanila at thankful ako na tinanggap nila ang apology ko,” sabi ni Claudine.
“We are accepting the apology,” sagot ng mother ni Christine.
LT may iniwang anak sa ampunan
Kasama na si Lorna Tolentino sa cast ng Valiente, napapanood sa TV5 sa role ni Mila Regalado-Arden, kapatid ni Don Luis (Tirso Cruz III) na nakapag-asawa ng Amerikano.
May twist sa karakter ni LT, may anak pala itong babae na iniwan niya sa ampunan.
Ngayon lang uli mapapanood si LT sa teleserye after Glamorosa.
Liezl positive ang mga treatments – Albert
“Maganda ang role ko rito sa Born to Love You,” panimula ni Albert Martinez nang aming makausap sa presscon ng Star Cinema movie na showing sa May 30.
Something different ang role niya sa mga nagawa na niya at challenge kung paano niya bibigyan ng buhay dahil hindi niya na-experience sa mga anak niya.
Natutuwa si Albert mapasama sa cast ng first movie ni Direk Jerome Pobocan at makasama sina Angeline Quinto at Coco Martin. Thankful si Albert na hindi siya nababakante at after Born to Love You, gagawin na niya this month ang Pusong Mamon Reunion and more TV projects from ABS-CBN.
Ayaw mag-comment ni Albert sa away ng biyenan niyang si Amalia Fuentes kina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez out of respect sa tatlo. On the other hand, open siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol kay Liezl Martinez.
“All treatments are favorable and continuous test. Noong una, she was depressed, ngayon wala na. The entire family is behind her and so far, positive lahat ang result, in a positive way. We live a normal life at ’pag may time, we travel together dahil favorite niya ’yun. We’ve been together for 27 years, she’s the love of my life.”
Chynna bilib kay Raymart
Feeling blessed si Chynna Ortaleza na kasama siya sa cast ng Luna Blanca dahil may regular work na uli siya. Wish na lang nito na magtagal ang karakter niya dahil nalamang 25 weeks ang itatakbo ng family-oriented drama, para sa parents niya dahil nag-retire na ang ama at siya na ang breadwinner sa kanila.
Wala siyang reklamo na kontrabida ang role niya bilang si Divine na aapihin si Camille Prats dahil kay Raymart Santiago. Ipinauna na nito sa viewers na ’wag magagalit sa kanya’t nagtatrabaho lang siya.
Nakaeksena na ni Chynna si Raymart Santiago at bilib siya sa aktor dahil kahit may problema, hindi ipinahahalata. Feeling niya, nagpapasalamat si Raymart dahil walang nagtatanong sa mga kasama sa nangyari sa kanila ni Mon Tulfo.
Derrick tuwang-tuwa na nakita ang mga Hollywood stars
Isa sa mga magandang nangyari kay Derrick Monasterio sa pagsama sa grupo ng GMA Films para sa premiere ng The Road ay muli niyang nakita ang ama na ilang taong hindi nakita. Nagyakapan ang mag-ama at matagal nagkumustahan.
Sa kanilang paghihiwalay, binigyan ng dollars si Derrick ng ama kaya nakabili ito ng Mac laptop. At CD ng compilation ng kanyang mga kanta ang ibinigay naman ni Derrick sa ama, hoping na baka matulungan siya nito sa kanyang recording career dahil lawyer ang ama at maraming kliyente. Enterprising ang bagets!
Tuwang-tuwa rin si Derrick dahil nakapanood ng basketball sa Staples at nakita sina Justin Timberlake, Zac Efron, at Kim Kardashian, although disappointed siya dahil hindi nakita ang crush niyang si Kendall Jenner na sister ni Kim.
Pagbalik ni Derrick, ang taping ng Alice Bungisngis and Her Wonder Walis ang hinarap dahil malapit na itong magtapos. Habang wala pang soap, sa Party Pilipinas muna siya mapapanood.