Sasakyan ni Kris condo unit ang hitsura ng loob!

Si Kris Aquino nga yata ang pinakamayamang artista sa kasalukuyan. Kahapon sa programa niyang Kris TV, ipinakita ang kanyang half way house kung saan naging bisita niya si Cong. Lucy Torres.

As usual, sosyal na sosyal na siyempre ang halaga ay milyun-milyon.

Pero taob ang lahat sa kanyang sasakyang gamit sa kasalukuyan. Parang condo unit ang nasabing sasakyan na may banyo at shower room, may pahingahan, basta lahat ng bahagi ng isang condo unit nasa sasakyan ni Kris. Ipinakita niya ‘yun kasama ang isa niyang kaibigan.

Doon daw siya nagpapahinga lalo na kapag magdamagan ang taping at pag naka-rest na siya ng two hours, fresh na uli siya.

Katuwiran ni Kris after niyang ipakita ang mga latest acquisition niya mula sa kanyang mga pinagtrabahuhan ay gusto lang niyang i-share sa mga taong tumatangkilik sa kanya ang mga bunga ng kanyang pagod at pagtangkilik sa kanya ng sambayanan.

Parang gustong bilhin ni Kris sa susunod ay isang resort na huhulugan pa raw niya.

Pero, mas maganda rin sana kung kasabay nang pagpapakita ni Kris ng kanyang mga kayamanan sa television ay ipinakikita rin niya ang mga kawanggawa niya bilang presidential sister. Siyempre wala namang masama na mag-flaunt ng yaman niya, kaya lang siyempre ano na lang ang sasabihin ng iba na ang daming mga walang tirahan sa kasalukuyan lalo na ang mga nasunugan sa Tondo na nagsisiksikan sa isang sports complex na walang comfort room. O kaya ang mga taong nakatira sa ilalim ng tulay at nagdurusa sa init ng panahon, heto siya na kapatid ng pangulo na higit pa sa pangarap ng bawat tao ang hawak na kayamanan.

Kasi kung ipakikita niya ang pagtulong na ginagawa niya, na I’m sure ay ginagawa naman niyang tumulong sa mga kapus-palad, malalaman din ng mga tao ang kawang­gawa niya bilang kapatid nga ng pangulo ng bansa.

I’m sure kasi hindi lahat ng tao natutuwa tuwing nagkukuwento siya sa sistema ng pamumuhay niya dahil nga naman maraming nangangailangan na kababayan niya.

Concert ni Lady Gaga pino-protesta

Marami palang nagpo-protesta sa gaganaping concert ni Lady Gaga sa SM Arena next week.

Satanista na pala ang tingin nila kay Gaga na kung tutuusin naman ay wala nang gaanong sumikat na kanta.

Nang una siyang mag-concert sa bansa, sa Araneta, napanood ko pa. In fairness nag-enjoy naman kami dahil lahat halos nang kinanta niya, sikat na sikat. After that concert niya, dalawa o tatlo na lang ang nadagdag sa mga sikat niyang kanta kaya malamang uulitin niya lang ang iba niyang kinanta na noon. ‘Yun nga lang iba na ang hitsura niya.

Hindi binigyan ng permit sa Jakarta, Indonesia si Lady Gaga para sa kanyang concert doon. Sa ginanap niyang concert sa South Korea, hindi pinapasok ang under 18.

Show comments