Dream project ni AiAi kanselado!

Sad si AiAi delas Alas dahil hindi na matutuloy ang filmfest movie nila nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto.

Hindi ko pa nakakausap si AiAi pero ang balita na nakarating sa akin, may kinalaman ang kontrata niya sa Star Cinema kaya hindi siya puwedeng gumawa ng pelikula sa ibang movie company na si Vic ang kanyang kasama.

Malungkot na malungkot si AiAi dahil dream project ang partnership niya kina Bong at Vic. Dahil hurt daw si AiAi, pupunta ito sa Amerika sa buong buwan ng December dahil doon niya palalampasin ang Metro Manila Film Festival fever.

Nananakot kay Katrina na-trace ng NBI

Nagsampa na pala ng kaso si Katrina Halili laban sa isang Twitter follower na nananakot sa kanya at nagpapadala ng mga tweets na nakakasirang puri.

Sa madaling-salita, biktima si Katrina ng cyber bullying kaya hiningi niya ang tulong ng NBI.

Na-trace ng National Bureau of Investigation (NBI) ang source ng mga malicious tweets at nakilala nila ang girl na nagpapadala kay Katrina ng mga pananakot.

Aral sa mga cyber bullies ang nangyari dahil kahit gumamit kayo ng alias para makapanira ng kapwa, may paraan ang NBI para makilala kayo at masampahan ng kaso.

Na-inspire tuloy ako na ireklamo sa NBI ang mga gumagamit sa pangalan ko sa Twitter. Puwedeng-puwede ko sila na sampahan ng identity theft dahil bukod sa paggamit sa pangalan ko, ginagamit nila ako sa paninira ng ibang tao.

Pamangkin ni Sen. Bong may tsansang sumikat kahit hindi gamitin ang Revilla

Nag-meeting kami kahapon ni Princess Revilla at ng kanyang anak na si Anton Ocampo na papasok na rin sa showbiz.

Star material at pang-leading man si Anton. Sure ako na magiging successful ang pagpasok niya sa showbiz, kahit hindi malaman ng publiko na mula siya sa Revilla clan.

Nakita ko nga pala kahapon sa meeting place namin nina Princess at Anton si House Speaker Sonny Belmonte.

Tumayo at lumapit ako kay Papa Sonny para magbigay-pugay sa kanya dahil boss ko rito sa PSN at PM ang anak niya na si Papa Miguel Belmonte. Si Papa Miguel na siguradong hindi nakakalimot na birthday ko bukas, May 20.

Hayden idinenay ang balitang balikan nila ni Vicki

Hindi lamang ako ang may birthday bukas dahil birthday din ni Hayden Kho, Jr. May lunch date ako kahapon sa aking friend na si Rubby Coyiuto ng Flawless at sa pamamagitan niya, nakausap ko si Hayden.

Of course, binati ko si Hayden ng happy birthday, hitsurang iniisip niya na hindi ko siya type. Tinanong ko si Hayden tungkol sa tsismis na nagkabalikan sila ni Dr. Vicki Belo pero negative ang kanyang sagot.

Naniwala ako sa denial ni Hayden dahil kung totoo na nagkabalikan sila ni Mama Vicki, bakit hindi siya kasama sa mga biyahe sa ibang bansa ng kanyang ex-girlfriend?

Biniro ko si Hayden na i-blow out niya ako dahil same birthday kami at oo naman ang kanyang sagot. Ewan ko kung tototohanin ni Hayden ang kanyang promise o baka naman naging polite lang siya kaya ineklay niya ako.

Show comments