^

PSN Showbiz

TV network sa Japan, naaliw sa paglunok ng bato ni Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Napanood namin sa Youtube ang pagpi-feature kay Marian Rivera sa Darna sa KYT Channel sa Japan. In fairness, ang haba ng feature kay Marian at sa Darna na Tagalog pa rin ang dialogue at nagko-comment in Nihonggo ang hosts. Aliw na aliw ang hosts pag lumululon ng bato si Darna.

Ipinakita ang paglipad ni Marian at ang fight scene niya kina Katrina Halili, Iwa Moto, at iba pang kontrabida nito. Sayang at hindi namin maintindihan ang sinasabi ng hosts, maganda sana kung may nag-translate ng mga sinasabi nito.

Kilala na sina Marian at Dingdong Dantes sa Cambodia at Malaysia dahil pinalabas ang Marimar, Ang Babaing Hinugot Sa Aking Tadyang, Dyesebel at Endless Love. Sa Malaysia, hinihintay na ang My Beloved. 

Sen. Miriam nag-unwind sa taping ng Legacy

Nagulat ang staff at cast ng Legacy nang dumating si Sen. Miriam Santiago sa taping ng drama series noong Lunes. Galing daw sa senado ang senadora at na-stress, gustong mag-unwind at dahil malapit lang ang location, dumaan muna siya.

Sinorpresa nito si Heart Evangelista na very close sa kanya at isa sa mga rason kung bakit sinusubaybayan ang Legacy. Nakuwento ni Sen. Miriam na may lines sa drama series na ginagamit niya sa kanyang speeches.

Na-meet ni Sen. Miriam sa kanyang set visit sina Alessandra de Rossi, direk Andoy Ranay, staff ng drama series at si Eddie Garcia. Ilang minuto rin siyang nakipag-kuwentuhan sa cast at staff.

Samantala, walang nakapag-interview kay Heart sa presscon ng Luna Blanca dahil after ipakilala, agad itong umalis.

Sa Monday, May 21, na ang pilot ng multigenerational drama series.

Tonton at Eula hindi kasama sa promo ng Born To Love you

Wala sina Tonton Gutierrez at Eula Valdez sa presscon ng Born to Love You at dahil hindi nakasulat sa press release, hindi namin alam ang kanilang respective roles.

Anyway, after the presscon, nakita namin si Eula sa branch ng Mercury Drug sa may T. Morato, nahiya naman kaming tanungin siya kung bakit wala siya sa presscon ng pelikulang part ng 19th anniversary ng Star Cinema.

Launching movie ito ni Angeline Quinto at first directorial job ni Jerome Pobocan at showing sa more than 100 theaters nationwide sa May 30.

Aliw ang press sa hair ni Coco Martin sa first part ng story at malalaman ninyo if you watch the movie.

Nagulat si Direk Jerome nang sabihin sa kanyang ipapareha si Angeline kay Coco na isang magaling na dramatic actor. Naisip daw niyang challenge sa kanyang idirehe si Angeline at nag-usap sila ni Coco na tulungan ito. “Nakita ko kay Angeline ang dedication, sincerity at gustong matuto” at nakita niyang nakapag-deliver ito.

Sa napanood naming trailer, muk­hang nagtagumpay sina direk Jerome at Coco na tulungang makaarte si Angeline.

Singer-actor na nali-link sa ka-loveteam may ibang girlfriend

Nakitang nagma-malling noong Mar­tes ang young singer-actor (YSA) at rumored GF nito at silang dalawa lang, wala silang kasamang mga kaibigan at members ng family ni YSA na sabi’y boto sa GF nito.

Mabuti at hindi sila nakita ng fans ni YSA at ng kanyang ka-love team na sobra ang suporta sa kanilang tambalan dahil tiyak na masasaktan at madi-disappoint sila. Marami pang pagsasamahang project sina YSA at ka-love team niya, sanayin na ng GF nito ang sarili na hindi pagselosan ang pagkaka-link ng BF sa kapareha. Hindi sila puwedeng magtambal dahil magkaiba ang network nila.

vuukle comment

ALIW

ANDOY RANAY

ANG BABAING HINUGOT SA AKING TADYANG

ANGELINE QUINTO

BORN TO LOVE

COCO MARTIN

DARNA

DINGDONG DANTES

DIREK JEROME

EDDIE GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with