Album ng baguhang singer patok na patok

MANILA, Philippines - Ang lakas ng sales ng album ng baguhang recording artist na si DK Valdez entitled DK Valdez… It’s All About Love na release ng BWB Records.

Base sa record, nung Abril 2 to 8 ay nanguna siya sa Astrovision/Astroplus top selling album, mapa-OPM at foreign. Kinabog niya ang benta ng album nina Angeline Quinto, David Archuleta, Lea Salonga, Basil Valdez, Christian Bautista, Bamboo, atbp.

Nag-No. 2 naman siya sa sales nung April 30-May 6 na kung saan album ni Xian Lim na ang nanguna.

Pinupuri ang boses ni DK. Hitsurang anak ni Basil sa lamig at nakaka-in love na boses. Maka­bagbag-damdamin ang carrier single niyang Tatanggapin Pa Ba Kita?

“Ginawa ko ’yun sa Thailand, madaling araw. Habang kino-compose ko ay ’di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Girlfriend ko siya sa ’Pinas na bumabalik sa akin after na makipag-boyfriend sa iba nung magtrabaho ako sa abroad,” kuwento niya.

Naka-base si DK sa Thailand at kumakanta sa mga hotels at bars doon. Tuwing September hanggang December ay umiikot siya sa Europe para mag-show na kung saan ay may 150 orchestra siya at 200 choir na back-up. Tatlong taon na niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagnga­ngalang Maestro Win Siegfried Pentek.

Bumalik siya sa Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album sa ating bansa.

Napapaloob sa album ni DK ang mga kantang Just to Make You Stay, Just Face Our Love Again, Kahit Ano’ng Sabihin, Akalain Ko Ba?, I’ll Be Right There for You, Singsing, My Love Will See You Through, Laging Babalikan, at Walang Ibang Mahal.

Ni-revive ni DK ang kanta ni Toni Gonzaga na Akalain Ko Ba? na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer. Ganoon din ang My Love Will See You Through na kanta ni Marco Sison.

Magpe-perform ulit sa Europe si DK at gusto niya pagbalik niya sa ’Pinas ay magkaroon siya ng solo concert. Dream niya na makasama sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto.

Show comments