Childhaus Benefactors

MANILA, Philippines - Hanggang ngayon ay ramdam pa ang saya ng mga bata sa Child Haus. Ang rason : ang ginawang birthday celebration ni Mother Ricky Reyes, ang isa sa mga nagtataguyod sa kanila, sa nasabing ‘bahay’ ng mga batang may sakit na cancer.

Ang isa sa mga kaibigan ni Mother Ricky na si Ramon Santos, ang pride ng Nueva Ecija, ay nag-donate ng kiddie rides na ikinagalak nang husto ng mga bata, habang ang ibang kaibigan ni Mother Ricky ay nag-adopt ng bawat bata na gagastusan ang kanilang pagpapagamot. Si QC First Lady na si Tatess Gana ay ginawa ang lahat para makapag-donate ng malaking aircondition para maibsan ang pagdurusa ng mga bata sa sobrang init ng panahon.

Ayon kay Mother Ricky ito ang mga tao na nagbibigay ng ibang kahulugan sa kanyang buhay na patuloy ang pagtulong para matulungan ang mga batang may karamdaman at walang ibang inaasahan kundi ang mga taong tulad nila.

Show comments