Hinihintay na lang ng isang talent manager (TM) na mag-expire ang three-year contract ng kanyang talent at wala na siyang balak i-renew ang kontrata nito. Na-stress si TM sa parents ng aktres na kahit madaling-araw, iti-text siya o tatawagan para lang tanungin ng plano niya sa kanilang anak.
Ayon kay TM, walang kasiyahan ang parents ng aktres, maligalig may trabaho o wala ang bagets. ‘Pag walang project, nagrereklamo sa kanya at ‘pag may show, nagrereklamo rin dahil napupuyat daw ang anak. Hindi malaman ni TM kung saan ilalagay ang sarili.
Hindi rin maintindihan ni TM kung bakit ayaw magtrabaho ng parents ng aktres. Sa murang edad, bread winner na ang youngstar at pati extended family ay sagot nito.
Barbie wala nang alam kay Joshua
Si Barbie Forteza ang gaganap na dalagitang si Blanca sa Luna Blanca kaya nakaligtas sa black body makeup. Si Bea Binene bilang si Luna ang paiitimin sa tinatawag na multi-generational drama ng GMA 7 na magsisimula sa May 21.
Na-experience na ni Barbie ang malagyan ng black body makeup nang gawin ang Nita Negrita at alam niyang mainit at dumidikit sa katawan. Kaya ang payo niya kay Bea ay maligo agad dahil ‘pag pinatagal, hindi agad-agad maalis.
“Masaya! Na-miss ko ang ganito kabonggang presscon ng show na kasama ako. Saka, hindi ako aapihin dito, nakaka-excite at gusto kong ma-experience,” pahayag ni Barbie.
Wala palang maisagot si Barbie kung may bagong show ang ka-love team niyang si Joshua Dionisio dahil malapit ng matapos ang Tweenhearts, basta para sa kanya, buo pa rin ang tambalan nilang dalawa.
Sharon naaliw, show sa TV5 nagka-commercial
‘Kaaliw si Sharon Cuneta dahil hindi makapaniwalang papasukin ng ads ang show niya sa TV5 na Sharon Kasama Mo, Kapatid. Naipahayag ni Megastar ang labis na katuwaan sa Twitter at tweet nito “Lord thank you po! I have commercials! Hahaha nagulat ako!!!
Ikinatuwa rin ni Sharon na nag-trending sa Twitter at number four ang pilot episode ng show niya. Kaya dedma ito sa mga trolls niya sa Twitter at kung sumagot man ay idinaan sa biro.
Hinihintay ng viewers ng SKMK ang paggi-guest ni Helen Gamboa, ‘di naman yata exclusive ang aktres sa ABS-CBN dahil nag-guest ito sa Paparazzi.
Regine binati si Gelli
Nabasa namin sa Twitter ang Mother’s Day greetings nina Regine Velasquez at Gelli de Belen at natuwa kami. Obviously, si Songbird ang unang bumati kay Gelli dahil sa nabasa naming tweet nitong “Thanks and to you also.”
Nang i-check namin ang timeline ni Regine, siya nga ang unang bumati kay Gelli ng “Happy Mother’s Day.”
Sayang lang at hindi natin sila mapapanood na magkasamang maggi-guest dahil lumipat na sa TV5 si Gelli at nasa GMA 7 pa rin si Regine.
Naalala n’yo pa ba ang koneksiyon nila?
Siyempre si Regine ay naging girlfriend noong-noon pa ng asawa ngayon ni Gelli na si Ariel Rivera.