Sermon nina Sen. Miriam at Sen. Jinggoy, wagas na wagas!
Birthday ko na sa Linggo kaya hindi ako masyadong lumalabas ng bahay dahil inaabangan ko ang birthday pledges at gifts sa akin.
Nakatanggap na ako ng lechon, ham, fruits, at kung anik-anik pa mula sa mga tao na nakalista ang mga name sa aking wish list.
Nag-stay lang ako kahapon sa bahay kaya napanood ko ang impeachment trial. As usual, pinabilib ako nina Senator Miriam Defensor-Santiago at Senator Jinggoy Estrada sa pagtatanong nila sa witness na si Harvey Keh.
Kung hindi ninyo napanood kahapon ang impeachment trial, may na-miss kayo dahil wagas na wagas ang sermon nina Mama Miriam at Papa Jinggoy kay Harvey dahil sa mga inconsistent testimony nito.
Mala-teleserye ang mga eksena kahapon sa impeachment trial kaya nabuhay na naman ang interes ng mga tao dahil sa husay sa pagtatanong nina Mama Miriam at Papa Jinggoy.
Hindi madali ang trabaho ng mga senator judges dahil nakaka-drain ng energy ang pag-iisip sa kanilang mga itatanong sa witnesses.
Pero nakakabilib talaga ang senator judges dahil nakikita nila ang mga butas sa mga testimonya ng mga saksi.
Bago pumunta sa impeachment trial, pinag-aaralan ng senator judges ang lahat ng anggulo at sitwasyon kaya handang-handa sila. I’m sure, ang mga dokumento sa impeachment trial ang bitbit ng senator judges hanggang sa pag-uwi nila sa kanilang mga tahanan.
Biritera babu na!
Babu na bukas ang Biritera dahil mag-uumpisa na sa Lunes ang Luna Blanca na prequel ng Luna Mystica.
Mga bida sa first part ng Luna Blanca ang mga child star na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.
Maganda ang role ni Jillian dahil parang siya ang lumalabas na bida, kahit sinasabi na pantay na pantay ang mga role nila ni Mona Louise.
Same age sina Mona Louise at Jillian pero mas malaking bulas ang huli. Mga cute at smart na bagets ang dalawa at ilan lamang ito sa mga dahilan para tutukan at subaybayan ang kanilang primetime show sa GMA 7.
Kasama sa cast ng Luna Blanca si Buboy Villar na nasa awkward stage na dahil binatilyo na siya.
Hindi na child star si Buboy dahil tumangkad na ito at nagbabago na rin ang tono ng kanyang boses.
Mapalad si Buboy dahil hindi siya nawawalan ng mga TV project sa GMA 7.
Si Buboy ang breadwinner ng pamilya
kaya sinusuwerte siya. Huwag sanangmatulad si Buboy sa ibang child star na naligaw ng landas nang lumaki dahil na-confuse sila at hindi kinaya ang epekto ng showbiz sa kanilang mga buhay at lifestyle.
Birthday dinner…
Nakipag-dinner kami kina Atty. Ray Espinosa at Bobby Barreiro ng TV5 sa Edsa Shangri-La Hotel noong Lunes.
Kasama sa dinner sina Ricky Lo, Aster Amoyo, Mario Bautista, Ronald Constantino, Ethel Ramos, at Peachy Guioguio ng TV5.
Para sa birthday ni Papa Ricky ang ginanap na dinner pero nadamay na rin kami ni Mama Aster dahil birthday nito noong May 10 at birthday ko naman sa May 20.
Kuwentuhan at tawanan lang ang nangyari sa aming dinner sa Summer Palace na venue rin ng lunch date namin nina Papa Ricky at Rubby Coyiuto noong nakaraang Huwebes.
- Latest