^

PSN Showbiz

Karen Davila kakamustahin ang mga Lumad na naiipit sa giyera

-

MANILA, Philippines -  Sa gitna ng deka-dekadang bakbakan sa pagitan ng pamahalaan at ang rebeldeng grupong New People’s Army (NPA), naiipit ang mga inosenteng Lumad o ang mga katutubong Pilipino na nakatira sa mga bulubundukin ng Mindanao.

Ngayong Huwebes (Mayo 17) sa Krusada, kakamustahin ni Karen Davila ang mga Lumad sa Ba-Oy Dam, Surigao del Sur na araw-araw na nabubuhay sa takot na masabugan o mapapaputukan.

 “Sa kahit anong giyera, ang mga inosenteng indibidwal ang higit na nadadamay at naaapektuhan, hindi ang mga panig na naglalaban,” sabi ni Karen.

Dahil dito, napipilitang lumikas o mag-“bakwit” ang mga Lumad, at sa kanilang paglisan ay naiiwan ang kanilang mga tirahan, kabuhayan, at maging ang pag-aaral ng kanilang mga anak. Saan na sila lulugar? Hanggang kalian sila tatakbo, lilikas, at mag-“babakwit”?

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng Krusada, ang 2012 New York Festivals Bronze World Medalist para sa Social Issues/Current Events category sa Huwebes (Mayo 17) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

BA-OY DAM

CURRENT EVENTS

DAHIL

KAREN DAVILA

KRUSADA

LUMAD

NEW PEOPLE

NEW YORK FESTIVALS BRONZE WORLD MEDALIST

NGAYONG HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with