Derek ayaw magbigay ng detalye sa 'third party,' Angelica nananahimik
Hinihintay ang pagsasalita ni Angelica Panganiban tungkol sa break up nila ni Derek Ramsay.
Anim na taon din ang itinagal ng kanilang relasyon kaya marami ang nanghihinayang dahil napunta rin sa wala ang pagsasama nila.
Si Derek ang nag-announce sa Twitter tungkol sa paghihiwalay nila ni Angelica. Hindi nagbigay ng detalye si Derek kaya lalong lumakas ang tsismis na may ibang tao na sangkot kaya nag-babu sila ni Angelica sa isa’t isa
P-Noy nakiramay sa burol ng biyenan ni Sen. Bong
Nagpang-abot kami ni President Noynoy Aquino sa burol ni Mrs. Justa Hernandez, ang butihing ina ni Congresswoman Lani Mercado na sumakabilang-buhay noong Linggo.
Nakiramay si P-Noy sa pamilya nina Lani at Sen. Bong Revilla, Jr. na wala ng dumating sa Heritage Park, Taguig City ang pangulo ng Pilipinas dahil busy siya sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Nakaalis na si P-Noy ng makarating si Bong sa Heritage Park at pagod na pagod siya na understandable dahil maraming twists ang nagyari sa impeachment trial ni CJ Corona.
Ngayong umaga, 10 a.m., ang cremation sa mga labi ng nanay ni Lani sa Heritage Park. Dadalhin ang abo ng yumao sa bahay nila sa Antipolo City.
Mula sa Heritage Park, nagpunta pa ako sa Edsa Shangri-La Hotel para sa tsikahan portion namin nina Atty. Ray Espinosa at Bobby Barreiro, ang mga bossing ng TV5. Bukas ko na ikukuwento sa inyo ang mga napag-usapan namin ng mga big boss ng Kapatid Network.
Jennylyn personal na inasikaso ng mag-asawang Villar
Sobrang hectic ang schedule ko noong Lunes dahil nakipag-meeting pa kami ni Lorna Tolentino kay Rams David, ang executive producer ng Valiente. Pinag-usapan namin ang nalalapit na special appearance sa primetime drama series ng TV5.
Hindi ko na nga napuntahan ang imbitasyon para sa mall show ni Jennylyn Mercado sa bagong bukas na branch ng Star Mall sa San Jose del Monte, Bulacan na malapit lang sa akin kung manggagaling ako sa bahay ko sa North Fairview.
Nakibalita na lang ako sa mga nangyari sa mall show ni Jennylyn at successful naman ito dahil dumagsa ang mga fans.
Si Isabel Oli ang host ng birthday show ni Jennylyn na kahapon talaga ang actual birthday. Puwedeng i-claim ni Jennylyn na masaya ang 25th birthday nito dahil maganda ang takbo ng kanyang showbiz career, lalo na ang sitwasyon ng love life niya.
Sina Papa Manny Villar at Mama Cynthia Villar ang owner ng Star Mall at sinuportahan nila ang birthday show ni Jennylyn sa kanilang newly-opened branch. Bumiyahe sa San Jose del Monte, Bulacan ang staff nina Papa Manny at Mama Cynthia para personal na asikasuhin ang show ni Jennylyn sa Star Mall na kabubukas pa lamang noong April pero dinarayo ng napakaraming tao.
Julie Ann at Jennylyn Nagkonek
Magkasunod ang birthday nina Jennylyn at Julie Ann San Jose. Kahapon ang birthday ni Jennylyn at ngayon naman ang 18th birthday ni Julie Ann.
Dahil uso ang mga birthday shows, may birthday concert din ngayong gabi si Julie Ann sa Hard Rock Café sa Makati City.
Mga kanta na malapit sa kanyang puso ang aawitin ni Julie Ann na nangangarap na mapanood sa susunod na linggo ang bonggang concert ni Lady Gaga sa SM Mall of Asia Arena.
Na-realize ko na may connect ang mga birthday atsutsutsu nina Jennylyn at Julie Ann. San Jose ang apelyido ni Julie Ann at sa San Jose del Monte, Bulacan ang venue ng mall show ni Jennylyn noong Lunes.
Passbook ’di na uso kay Ombudsman Conchita
Hindi ako agree sa sinabi kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa impeachment trial na hindi na uso ang mga passbook sa bangko.
Marami pa rin ang gumagamit ng passbook sa kanilang mga transaksyon sa bangko, kahit in na in ang ATM card. Uso pa rin ang passbook dahil makikita rito ang kumpletong detalye ng mga bank transactions.
- Latest