Santiago at Tulfo nagpaparamihan ng kaso

Habang nagtatagal ay parang nagpaparamihan na lamang ng kaso ang mga Santiago (Raymart at Claudine Barretto) laban sa isa’t isa. Bakit hindi na lamang mag-concentrate sa pinakamalaking kaso para naman matapos ito ng maaga?

Hindi naman nakasalalay ang labanan sa kung sino ang may pinakamaraming kaso kanino, kundi sa kung sino ang nagpasimuno ng gulo. Malulutas na lamang ang iba kapag nalutas na ’yungpinakamalaki at unang kaso, ’di ba? Ayaw ba nilang mag-move on?

Regine hindi na kailangang mag-exercise

Hindi naman talaga kailangan ni Regine Velasquez ang mag-ehersisyo para magbawas siya ng timbang. Ipaghele lamang niya si Baby Nathan ay siguradong papayat na siya. Maging hands-on lamang siya sa pag-aalaga sa kanyang anak ay hindi na niya kailangang pumunta pa ng gym. Lalo na kapag nakakapaglakad-lakad na ang bata. Talagang mapapagod siya at tutulo ang kanyang pawis. There’s nothing like taking care of one’s child.

Ang daming nanay na nakita kong pumayat bago pa magdalawang taon ang kanilang mga sanggol. Sino ang makapagsasabi? Baka isang araw makita na lang natin si Regine na payat na payat, courtesy of her son.

Show comments