^

PSN Showbiz

Kahit in love na in love Jennylyn hindi pa handang magpakasal kay Luis

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PIK: Hindi maipaliwanag sa amin ni Mike Tan kung bakit excited siya sa bagong drama series na gagawin niya sa afternoon prime ng GMA 7 na Faithfully. 

Magkasama kasi uli sila ni Michelle Madrigal na kaagad niyang nakapalagayan ng loob.

Una silang nagkasama sa Kung Aagawin mo ang Langit at ina­min ni Mike na talagang na-attract siya kay Michelle.

Kaagad na naging close sila at naging komportable sila sa isa’t isa kaya excited siya ng nalaman niyang muling makakasama si Michelle.

“Hindi na kasi namin kailangan pang mag-pretend na close kami kasi kusa na siyang lumalabas. Madaling katrabaho kapag kakilala mo na,” pahayag ni Mike.

Kahit nga si Michelle ay ganun din ang naramdaman dahil sa lahat ng mga aktor na nakasama niya, komportable siya agad. Kaya wala siyang limitations kapag si Mike ang makakaeksena niya.

PAK: Natawa lang si Solenn Heussaff ng kinunan ang kissing scene nila ni Ogie Alcasid sa Boy Pick-Up Da Movie.

 Aware naman si Solenn na crush siya ni Ogie pero nang kinunan na ang eksena nilang dalawa, wala siyang naramdamang malisya dahil relaxed naman siya kay Ogie.

“Saka French naman ako eh. Wala sa akin ’yun,” sagot sa amin ni Solenn na sinasabi nitong walang kamali-malisya kahit ano pang gawin nila ni Ogie sa naturang pelikula.

Pero excited ang model turned actress sa pelikula dahil ibang-iba ito sa mga nagawa niya. Sana nga raw ay magustuhan siya rito dahil dito niya naipapakitang kaya na niyang gumanap ng ibang role na hindi pa niya nagampanan sa mga nagawa niyang pelikula.

BOOM: Ang lakas sa Twitter at sa ibang social networking sites ang guesting ni Luis Manzano sa Showbiz Central nung Linggo ng hapon.

Ang daming kinilig sa sweetness nilang da­lawa at kahit doon sa dressing room ay kitang-kita kung gaano ka-love ni Luis si Jennylyn Mercado.

Doon sa Showbiz Central sinilebreyt ni Jennylyn ang kanyang kaarawan, kasabay na rin ng 5th anniversary ng naturang showbiz-oriented talk show.

Pero ngayong araw pa lang ang birthday mismo ni Jennylyn at magkakaroon lang sila ng dinner kasama ang buong pamilya at ni Luis siyempre.

Dito pa lang ibibigay ni Luis ang birthday gift sa kanya.

Samantala, itinatanggi ni Jennylyn ang isyung nagpa-register na sila sa munisipyo ng Batangas para magpakasal sa susunod na taon.

“Never naman kami nagpunta dun para sa ganung bagay. Unang-una, hindi pa kami handa sa ganun. Pangalawa, marami pa kaming gustong matapos. Marami pa kaming priorities lalo na ako, ang career ko, ang pamilya ko. Sabi ko nga, hindi pa talaga ako handang magpakasal,” sagot sa amin ni Jennylyn sa intrigang ’yun.

BOY PICK-UP DA MOVIE

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KUNG AAGAWIN

LUIS

LUIS MANZANO

MICHELLE

MICHELLE MADRIGAL

OGIE

SHOWBIZ CENTRAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with