Piolo, ginagamit lang?

MANILA, Philippines - Kasabay ng excitement ng fans ni Piolo Pascual sa nalalapit na pagpapalabas ng Star Cinema film niyang Every Breath U Take sa Mayo 16, puno na rin ng pananabik ang mga loyal viewers ng top-rating teleserye ng ABS-CBN na Dahil sa Pag-ibig sa pagkalantad ng katotohanan kaugnay ng tunay na relasyon nina Fr. Alfred (Piolo) at Oliver (Jericho Rosales).

Ano ang gagawin ni Alfred sa sandaling malaman niyang ginagamit lamang siya ng kinikilala niyang amang si Leo Valderama (Christopher de Leon) upang pataubin ang mga kalaban sa pulitika? Anong idudulot na gulo ni Oliver sa buhay at pamilya ng mga Valderama?

Huwag palampasin ang Dahil sa Pag-ibig, gabi-gabi, pagkatapos ng Walang Hanggan sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @dahilsapagibig sa Twitter, o i-like ang http://facebook.com/dahilsapagibig.tv.

Show comments