Mga lolo't lola ni Karylle dinayo pa ng dyowang rakista sa Las Vegas

Sa tsikahan with Karylle sa presscon/launching niya as the first celebrity endorser ng Miladay Jewels, ibinalita nitong magbubukas ng bagong branch ang Centerstage sa SM Mall of Asia. Co-investors sila ng ex niyang si Dingdong Dantes ng KTV pero hindi na ito nag-invest sa bubuksang branch.

Ang ganda-ganda ng ngiti ni Karylle ng pag-usapan si Dingdong, kaya feeling ng press, naka-move on na ito totally. On the other hand, ng usisain sa estado ng relasyon nila ni Yael Yuzon, hindi nag-deny at wala rin itong kinumpirma.

Kinanta lang ni Karylle ang Tambay ng Spon­gecola na may lyrics na “Alam nila kahit ’di mag-ami­nan” at sinabing “sa kaganapan sa showbiz, alam na ng lahat.” Nakuwento nitong binisita ni Yael ang grandparents niya sa Las Vegas, Nevada.

Walang dream wedding si Karylle. Gusto lang nito present ang lahat ng loved ones niya sa kanyang kasal to bless her wedding. She’s the marrying type, pero ayaw pa niyang mag-asawa.

“I don’t feel any pressure,” wika nito.   

Julie Anne tuloy ang birthday concert

Tentative pa lang pala ang All for Love title sa Sunday series nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose na papalit sa Reel Love Presents Tween Hearts. Hindi pa kompleto ang cast at sina Janine Gutierrez at Renz Valerio pa lang ang kumpirmadong kasama.

Si Dick Lindayag ang napili ng GMA 7 na magdirek ng series nina Elmo at Julie Anne dahil tuloy na ang paglipat ni Gina Alajar sa TV5. Sabi, gagawing promo ang series nina Julie Anne at Elmo sa launching movie nila sa GMA Films na Just One Summer  na naurong sa August ang showing.

Samantala, tuloy na ang birthday concert ni Julie Anne sa May 16, sa Hard Rock Café sa Makati City. Sina Jay-R at Kris Lawrence ang kanyang guest at sa direction ni Mark Reyes. May feeling kaming lalabas si Elmo sa concert ng ka-love team.

Glaiza ibinuking na tinawagan ni Bianca si Gwen dahil sa laplapan kay Dennis!

Hindi man kasing bigat sa Amaya ang role sa Biritera, pressured pa rin si Glaiza de Castro dahil na-compress ang mga eksena’t hindi natuloy ang extension nito.

Hanggang this week na lang ang Biritera. Wala pang next soap si Glaiza at aminado itong kinakabahan siya na baka mabakante siya ng matagal. Ayaw niyang mabakante at gusto sana niyang stable na ang takbo ng career. If ever ’di agad siya mabig­yan ng kasunod na project, gustong mag-enroll ni Glaiza ng music production sa La Salle dahil gusto niyang maging musical scorer.

Sabi pala ni Glaiza, hin­di siya tinawagan ni Bianca King para tanungin sa kissing scene nila ni Dennis Trillo, unlike Gwen Zamora na tinawagan daw ni Bianca. Wala naman dapat ikabahala ang rumored GF ng aktor dahil kasama lang sa trabaho ang kissing scene nila sa Biritera.

Michael de Mesa maiipit sa dalawang serye

Extended uli ng two weeks ang Valiente, ang tanong ngayon, ano ang gagawin sa Damian karak­ter ni Michael de Mesa dahil tinanggap nito ang afternoon soap ng GMA 7 na Kasalanan Ba ang Ibigin Ka?

Hindi siguro alam ni Michael na muling mai-extend ang teleserye ng Archangel Media na napapanood sa TV5 nang tanggapin ang offer ng Channel 7. Puwede niyang i-rason na hindi magkatapat ang time slot ng dalawa niyang show dahil pang-hapon ang sa Chanel 7 at panggabi ang sa TV5.                                                                 

Show comments