^

PSN Showbiz

Bugbugan sa NAIA palipas na, bagong eskandalo hinihintay na

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pahupa na ang issue sa bugbugan nina Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago and Claudine Barretto ma­tapos ang isang linggo. Pahupa as in hindi na gaanong mainit na pinag-uusapan. Naghihintay na ang marami sa susunod na malaking eskandalo sa showbiz.

Kung sabagay, nagkademandahan na sila. Nag­kanya-kan­ya na sila ng sampa ng kaso at hinihintay na lang ngayon kung sino ang paniniwalaan ng husgado. O kung lulutang ang mga witness na nagpapa-interview sa mga news programs para maging exciting ang lahat.

Pero may ilang mga nagba-back out na kaya paano kaya ’yun?

Ang pinaka-acceptable na CCTV camera ay wala naman, so ano kayang magiging basehan ng husgado? Wait tayo. Baka may mga bagong pasabog.

The Road, pinag-uusapan sa Amerika

Maganda ang feedback sa pagpapalabas ng pelikulang The Road sa Amerika na nagkaroon ng red carpet premiere last Wednesday (US time) kung saan lumakad sa red carpet ang mga artista ng pelikula.

Proud din silang nag-pose sa foreign media na nag-cover ng event na ginanap sa Arclight Theater in Los Angeles, California.

Pinuri ng mga nanood ang pelikula.

Kasalukuyan na itong ipinalalabas sa maraming sinehan sa Amerika at Canada.

Ang US-based film distribution com­pany na Freestyle Releasing ang katuwang ng GMA Films para ma-distribute ito sa Amerika.

Kasama ang rumampang mga ar­tista ng pelikula sina Marvin A­gus­tin, Rhian Ramos, Alden Ri­chards, and Derrick Monasterio together with GMA Films President Anna Teresa Gozon-Abrogar, Freestyle Presidents Susan Jackson and Mark Borde, GMA Films Project Director Joey Abacan, and the film’s director Yam Laranas.

Present din sina Pound-for-Pound King Manny Pacquiao, Dra. Vicki Belo, MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares, GMA Entertainment TV Vice President Marivin Arayata, GMA Entertainment TV Assistant Vice President Redgie Magno, GMA Corporate Communications Asst. Vice President Angel Javier-Cruz, and host Tim Yap.  

After ng premiere night ay nagkaroon ng after party na ginanap sa The Lure, a club beside Arclight Theater.

Bago ’yan ay nagkaroon na sila ng presscon na dinaluhan ng mga US based-Filipino media outfits.

Kasalukuyan pang nakikipag-usap ang GMA Films sa ibang film releasing companies para maipalabas pa sa ibang bansa ang naturang pelikula na ipinalabas sa bansa last Nov. 2011.

vuukle comment

ALDEN RI

AMERIKA

ANGEL JAVIER-CRUZ

ANNA TERESA GOZON-ABROGAR

ARCLIGHT THEATER

ASSISTANT VICE PRESIDENT

SHY

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with