MANILA, Philippines - Ang Flawless endorsers na sina Richard Gutierrez at Lorna Tolentino ay laging naghahanap ng skincare treatments na babagay sa kanilang kutis at hectic na schedule. Bukod kasi sa araw, maaari ring ma-damage ng matinding spot light ang kanilang balat kaya madali silang magkaroon ng acne breakouts o dark spots.
Kaya isang cutting-edge solution na maraming bentahe tulad ng pag-aalaga rin ng kulubot at peklat gamit ang Fractional Needling Therapy (FNT) ang ginagamit ngayon ng dalawang celebrity sa Flawless clinic. Tinatawag na Frac ‘n’ Roll, malapit nang lumabas ang opisyal nilang pag-eendorso nito sa mga darating na linggo.
Ang Fractional Needling Therapy ay isang non-surgical treatment na mabilis ang resulta pero walang sakit. Gamit nito ang isang state-of-the-art machine na gumagawa ng micro channels na gumagaya sa natural healing process ng ating balat kaya nakakapagpatubo pa ng collagen at elastin fibers.
“Masaya ako sa resulta ng Fractional Needling sa Flawless. Nabawasan ang mga fine lines and wrinkles ko. I looked younger and fresher daw sabi nila,” sabi ni LT.
Aminado ang aktres na napanitili niya ang youthful looks sa tulong ng magandang tulog, healthy diet, positibong pananaw, at siyempre regular na pagbisita sa Flawless branches para sa PowerPeels, Whitening Body Peel, at ngayon nga ay FNT.
“At first, natakot ako to try the new service because it involves needles. Pero alam ko I’m in good hands sa Flawless dahil doctor ang gumagawa ng treatment,” dagdag pa ni LT.
Si Richard naman kahit poging-pogi na ang mukha ay wala palang kaarte-arte.
“I’m not really vain but you know I have to take care of my skin because it’s my responsibility to look good for my audience,” sabi ng aktor, environmentalist, at sports enthusiast.
“The last time I visited Flawless, I tried Fractional Needling Therapy for my dark spots and, true enough, the spots improved after one session.”
Bisitahin ang webiste na www.flawless.com.ph para malaman pa ang tungkol sa Fractional Needling Therapy at kung saan ang pinakamalapit na branch para sa inyo.
Para sa appointment o iba pang katanungan, tawagan na lang ang 584-6807, 584-6813, at 584-7135.