Dahil sa sobrang stress, Claudine 'di pa rin pinapayagang magsalita

PIK: Proud na ikinukuwento ni Jaya na ang best friend niyang si Regine Velasquez ang isa sa sumusubaybay sa kanya sa Biritera. Ngayon lang kasi na-enjoy ng Soul Diva ang pagiging artista.

Iba ito kung ikumpara sa partisipasyon niya noon sa Diva dahil dito sa Biritera ay todo acting talaga siya.

Ang dami niyang natutunan kay Direk Maryo J. delos Reyes kaya malaki ang pasasalamat niya at napasali siya sa Biritera na malapit nang magtapos.

PAK: Nagmistulang talent coordinator si Ogie Alcasid sa pelikula niyang Boy Pick-Up dahil kailangan ng mga malalaking celebrities na mag-guest para sa malaking pick-up battles nila.

Sa May 17 ang last shooting day nito na kung saan kukunan ang malaking Pick-Up battle na sasalihan ng mga malalapit na kaibigan ng singer/songwriter.

Nadagdag sa dream battle na gusto sana nilang makasali ay ang Tulfo brothers vs. Raymart Santiago, pero alam niyang imposibleng mangyari pa ito.

Pero meron siyang mga tandem na isasali sa pelikulang ito na nangakong magi-guest kaya malaki ang pasasalamat ni Ogie dahil pinagbigyan siyang maging bahagi ng naturang pelikula.

BOOM: Itinuloy na ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto ang pagsampa ng kasong grave threat, oral defamation at petition for writ of amparo sa magkakapatid na Erwin, Raffy, at Ben Tulfo dahil sa mga binitiwan nilang pagbabanta sa mag-asawa sa kanilang programang T3: Kapatid, Sagot Kita sa TV5.

Umiiyak si Claudine nang mag-file sila ng kasong ito dahil ramdam na nila ang takot sa maaaring gawin sa kanila ng Tulfo brothers.

Pero hindi pa rin pinayagan magsalita si Claudine dahil sa sobrang emotional stress na pinagdaanan nito.

Kaugnay dito, nagkaroon ngayon ng isyu sa gitna ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at TV5 dahil sa 20-day suspension na ipinataw ng MTRCB sa programa ng Singko.

Pumalag dito ang TV5 dahil sa news and public affairs ang programang T3.           

Didinggin ang kasong ito sa MTRCB sa darating na Lunes.

Show comments