Matagal na rin sa industriya ang dancer turned actor pero ngayon lamang siya nagkaroon ng sariling dance studio na noon pa niya inaasam.
Pormal na binuksan kamakailan ang Big Shift studio na pag-aari ni Jhong.
“Heto na, this is it. Heto na ’yung pinapangarap ko, nineteen years na akong nagsasayaw, matagal ko na ring iniisip na magtayo ng isang dance studio and ako, nabigyan tayo ng ganitong talent, para maibalik ko naman sa Diyos. Gusto kong ibahagi iyon. Gusto ko i-share sa mga tao, sa kabataan na talagang gustong magsayaw,” pahayag ni Jhong.
Hindi lang mag-isang may-ari si Jhong sa binuksang negosyo dahil mayroon siyang business partners dito. Iba’t ibang klaseng sayaw daw ang puwedeng pag-aralan at matutunan sa sinumang mag-e-enroll dito. “Iba’t ibang genre. May hiphop, may jazz, ballet, zumba, may mga kinetic arts din tayo, Yoga, at Pilates. Siguradong mag-e-enjoy ang mga tao, talagang pinaganda ang studio namin. Hindi lang basta dance studio, meron din kaming recording studio. Meron din kaming advertising. So, nandun na lahat,” pagdedetalye ng dancer-actor.
Hindi naman nangangahulugang iiwan na ni Jhong ang showbiz kaya nagtayo na siya ng sariling business.
“Marami pa namang umiidolo sa akin kahit paano. Itong Big Shift, ang plano namin hindi lang makapagturo ng sayaw, gusto naming maka-develop ng talents. Gusto namin ’yung students makapag-perform hindi lang sa Pilipinas, hopefully sa Asia. Pati sa iba pang nangangarap na matutong magsayaw, ma-develop ang skills nila at makilala sila na magaling na mananayaw,” giit pa ni Jhong.
Jed tanggap na matatapatan ng bata at bagong singers
Aminado si Jed Madela na hinahangaan niya ang galing sa pagkanta ng Pinay-Mexican contestant ng American Idol na si Jessica Sanchez.
Para kay Jed ay panalung-panalo na si Jessica sa naabot nito ngayon.
“I’m a big fan of Jessica Sanchez. I can see that not just Pinoys are supporting her, but lahat ng nationalities are very pro-Jessica. Whatever happens, if she wins or not, she’s a winner already. It’s very vocal from the big names to artists na talagang gusto siyang kunin,” nakangiting salaysay ni Jed.
“She is unique. Her voice is distinct and most of all, she has the heart of a Filipino and that’s the edge of Pinoys when it comes to singing. Oo, magaling nga ang mga Black Americans, mga hiphop, magaling sila, but I find it too technical, de-numero. Kapag Pinoy ang kumanta, iba. Nagkukuwento ang Pinoy, nararamdaman mo ang puso ng Pinoy, at nakikita natin ’yun kay Jessica,” dagdag pa ng world champion singer.
Hindi nangangamba si Jed na may mga bagong mang-aawit na talaga namang magagaling ang sumisikat sa ngayon.
“Hindi naman siguro threatened but it’s a reality everyday, there’s somebody who’s going to come out, who is better than me, ’di ba? So, kailangan nating tanggapin ’yon,” pagtatapos ni Jed.
Reports from JAMES C. CANTOS