MANILA, Philippines - Engrande ang napipintong pagtatapos ng top-rating primetime drama series ng
GMA 7na
Biritera. Kamakailan ay ginanap sa isang theatre sa Pasig City ang taping ng finale concert ni
na talaga namang hanep sa production value at performance level ang pinakitang galing ng batang bida.
Mapapanood din sa nasabing concert ang nakakaiyak na duet nina Roseanne at ni Dennis Trillo na gumaganap bilang kapatid niya sa nasabing programa. Abangan rin ang pagperform nina Roseanne at ang kapwa nito child star na si Barbara Miguel ng Just Got Lucky.
Speaking of Just Got Lucky, masuwerte talaga pala itong si Roseanne dahil ayon sa kuwento niya mismo kamuntikan na pala siyang hindi makasali sa audition noon para sa lead role ng Biritera dahil wala silang pamasaheng mag-ina papunta sa GMA -7 kung saan ginanap ang audition.
Mabuti nalang at may konting naipon ang ate ni Roseanne na P100 sa alkansiya nito kaya nakapunta siya sa audition. Para sa karamihan sa atin, siguro ang isang daang piso ay hindi naman kalakihan at ginagawa lang nating pampanood ng sine o pambili ng mamahaling kape, ngunit para kay Roseanne, ang halagang ‘yun ang naging dahilan kung bakit sikat na siya ngayon.
Nakakatuwang malaman na kahit salat man sa buhay ay pinahahalagahan pa rin ng mga magulang ni Roseanne ang pag-aaral ng mga anak nila. Hindi hinayaan ng mag-asawa na makaapekto sa pag-aaral ni Roseanne ang pagte-taping niya sa Biritera.
Siyempre, nalulungkot si Roseanne na malapit nang matapos ang Biritera at ayon mismo sa kanya, ipinagdarasal daw niya palagi na mabigyan pa siya ng break at patuloy na mapanood sa TV para kahit papaano ay makatulong siya sa kanyang pamilya.
Next week na ang huling linggo ng Biritera, na mapapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.