Sa unang production venture ni
Angel Locsin
bilang prodyuser, naging direktor niya si
Dingdong Dantes.
Hindi na bago ang trabahong ito sa
Kapuso
actor.
Nakapagdirek na rin siya ng ilang matatagumpay na programa sa GMA 7. Isang Kapamilya na si Angel nang gawin nila ni Dingdong ang pelikulang Angel, pero hindi naging dahilan ito para hindi sila magkasama o magkatrabaho sa isang pelikula naman ng Star Cinema na pinamagatang One More Try.
Hindi rin dahilan ang pagiging artista nila ng dalawang magkalabang network para hindi magkasamang muli sa isang pelikula. Hindi na director dito si Dingdong, magkatambal na sila ni Angel.
Hindi rin silang dalawa lamang ang major star ng movie kasama rin sina Angelica Panganiban at Zanjo Marudo sa direksiyon ni Ruel Bayani.
Magandang senyales ang pagpapahiram ng GMA 7 kay Dingdong sa kanilang kalabang network Naunang napanood si Dingdong sa isang pelikula na pinrodyus nilang dalawa ni Kris Aquino kasama rin ang Star Cinema.
Barbie iniiyakan pa rin si Joshua
Sana magklik ang bagong tambalang Barbie Forteza at Elmo Magalona. Maraming luha ang iniyak ng teen actress sa desisyon ng network na paghiwalayin muna sila ni Joshua Dionisio. Sa Tweets for My Sweet ay si Elmo na ang katambal niya. Ewan din kung hindi ito makakaapekto sa tambalan naman nina Elmo at Julie Ann San Jose, lalo’t gumagawa sila ng kanilang first movie as a loveteam.
Sa last taping ng Tween Hearts hindi naikubli ng dalawang young loveteam ang kanilang kalungkutan sa kanilang last team-up. Naging malaking konsolasyon na lamang nila ang pangyayaring career move ang ginawa ng GMA7 at para na rin ito sa ikatatagal ng kanilang showbiz career.
Cherry Pie nag-ampon ng limang bata
Tampok si Cherry Pie Picache sa Mother’s Day special ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado bilang si Adelaida, isang maybahay na hindi pinalad na magkaroon ng sariling anak.
Sa kagustuhang maging isang ina, nag-ampon siya at ang kanyang asawa hindi lamang ng isa, kundi ng limang bata. Paano nga ba sinusukat ang kadakilaan ng isang ina? Sapat na nga ba ang pagmamahal at pag-aaruga o mas matimbang pa rin ang dugo higit sa anupaman? Kasama ni Cherry
Pie sa MMK episode sina Al Tantay, Melai Cantiveros, Martin del Rosario, Sue Ramirez, Devon Seron, Carlo Lacana, Andrea del Rosario, at Eva Darren. Ito ay sa direksiyon ni Ruel Bayani.