Wala mang binanggit na pangalan, alam kung sino ang pinatutungkulan nina
KC Monteroat mother ni
Rhian Ramossa kanilang tweets after ibaba ng
ang decision na isuspinde for two weeks sina
Mo Twisterat ang dalawang female DJs na kasama sa morning show ng istasyon.
Tweet ni KC: “I’ve tried before but I just don’t have it in me to take a joke far enough to hurt anyone.”
Tweet ni Lay Ramos: “Anyone, please don’t give Hitler a mic. G, I’m saying Hitler never should have had access to a mic. He mesmerized, persecuted, & killed it. Radio, TV, or anyone behind any form of media have a responsibility not to give anyone, the likes of him power of public address…ever. I always kid…he who has the mic has the power…but there’s truth to that. Whatever happened to responsible broadcasting?”
Angelika puring-puri sina Roseanne at Rich
Mami-miss ni Angelika dela Cruz si Roseanne Magan dahil naging close sa kanya ang bata sa taping ng Biritera at No. 1 fan ng team-up nila ni Neil Ryan Sese ang bagets. Bilib ang aktres kay Roseanne dahil kahit baguhan, magaling umarte at totoong iyak ang ginagawa nito sa mga eksena.
Kuwento pa ni Angelika, sikat sa mga bata si Roseanne at nang pumarada sa Malabon ay parang poon ito na inalayan ng bulaklak ng mga batang fans.
Isa pang pinuri ni Angelika si Rich Asuncion na mahusay din lalo na sa eksenang inamin nito ang kasalanan.
Kontrabida uli si Angelika sa next soap niyang Kasalanan Ba ang Ibigin Ka under Mark Reyes. Kabilang sa makakasama niya rito sina Michael de Mesa, Sharmaine Arnaiz, Jackie Rice, Jennica Garcia, at Geoff Eigenmann.
Raymart trabaho agad ang inatupag pagka-file ng kaso kay Mon Tulfo
Dumiretso pala si Raymart Santiago sa taping ng Luna Bianca sa Tagaytay after mag-file ng physical injuries at child abuse case laban kay Mon Tulfo. Kahapon din kumuha ng bodyguards ang aktor, kaya pagdating niya ng taping may bodyguards na siya.
Samantala, ngayon lang uli may primetime soap si Raymart at kasama niya sa tinatawag ng GMA 7 na multigenerational drama sina Camille Prats, Chynna Ortaleza, Mercedes Cabral, Karen delos Reyes, Arkin Magalona, at Dante Rivero.
Michael makakatrabaho na ang anak
Tinanggap ni Michael de Mesa ang offer na soap ng GMA 7 at makakasama niya rito ang anak na si Geoff Eigenmann.
Nang makausap si Michael sa taping ng Valiente ng TV5, nabanggit nito ang nasabing offer, that time, ’di pa siya sure kung tatanggapin dahil may mga nire-request siya. Sa pagpasok ng aktor sa Kapuso Network, si Andi Eigenmann na lang ang nasa ABS-CBN. Balitang may bagong project na rin si Sid Lucero.