Mga Pinoy sa Amerika aligaga na naman sa pangangampanya para kay Jessica

SEEN: Binigyan ng malisya ang report ng Bandila na nakatungkod at papilay-pilay nang dumating sa korte ang dramatic actress. Si Claudine Barretto ang topic ng Bandila report.

SCENE: Binura ng Itchyworms band members sa  Twitter timeline ang mga tweet nila tungkol sa bugbugan nina Mon Tulfo at Raymart Santiago na kanilang nasaksihan noong Linggo sa NAIA 3.

SEEN: Nag-file kahapon sa COMELEC ng residency sa Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada dahil tuloy na ang pagkandidato nito sa 2013 bilang alkalde.

SCENE:  Ang mga paninira kay Sarah Geronimo ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu dahil sa kanyang birthday concert sa July 7.

Lalong pinaiingay at tinutulungan ng Gerald-Kim fans ang promo ng 24/SG.

SEEN: Ang public apology kahapon ni Mo Twister at ng dalawang lady DJ ng Magic 89.9 kay Charice dahil sa kanilang sex tape joke.

Nag-sorry ngunit nanindigan si DJ Tin Gamboa na walang malisya ang kanilang ginawa.

SCENE : Insensitive si DJ Tin Gamboa dahil babae rin siya at bilang babae, alam niya na masakit ang pambabastos nila kay Charice.

Nagpapakontrobersyal si DJ Tin, at the expense of Charice dahil nameless DJ siya.

SEEN: Pinuri uli ng American Idol judges si Jessica Sanchez dahil sa perfect na pag-awit nito sa Steal Away ni Etta James.

Aligaga ang mga Pilipino at Fil-Americans sa pagboto kay Jessica upang manatili ito sa American Idol.

SCENE :  Standing ovation ang ibinigay nina Steven Tyler, Jennifer Lopez, at Randy Jackson sa powerful rendition ni Jessica Sanchez sa awit na And I Am Telling You.

Show comments